|
||||||||
|
||
SINABI ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na walang katuturan ang imbestigasyon sa pahayag ni Pangulong Duterte na may mga pinatay na siya noong punonglunsod siya ng Davao.
Sa isang press briefing, sinabi ni G. Abella na sinuri na ang balitang iyan at natugunan na sa abot ng kanilang pagkaka-alam.
Ito ang reaksyon ni G. Abella sa pahayag ni Human Rights High Commissioner Zeid Ra'ad A; Hussein na marapat siyasatin si Pangulong Duterte sa kanyang pahayag na personal niyang pinatay ang tatlong kriminal. Binaril umano niya ang tatlong hostage-taker ng isang Australian missionery.
Sa panig ni G. Abella, lehitimong police operation ang naganap noon sa Davao City.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |