|
||||||||
|
||
Melo 20161228
|
Pamahalaan, inaalam pa ang ulat sa mga nasawi
INAALAM pa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang detalyes sa nabalitang sampu kataong nasawi dala ng bagyong "Nina." Ito ay maliban pa sa nasawing nagmula sa Mulanay, Quezon na nabagsakan ng puno ng niyog samantalang inililikas ang kanyang pamilya.
Ayon kay Bb. Romina Marasigan, inaalam pa nila ang detalyes sa nabalitang apat kataong nawawala. Ang mga nasawi at nasugatan sa paglubog ng Starlite Atlantic ay hindi pa naisasama sa talaan sapagkat wala pang ulat ang Philippine Coast Guard. Mayroon ding 79 katao ang nasugatan sa pananalasa ng bagyo.
May 42,531 pamilya ang nasa 507 evacuation centers sa CALABARZON, MIMAROPA, Bicol at Eastern Visayas. Umabot naman sa 30,897 mga tahanan ang napinsala sa Bicol Region.
Deklarado na state of calamity sa Catanduanes at Camarines Sur sampu na ng Lungsod ng Calapan dulot na pinsalang dala ng bagyong "Nina."
PANGANIB SA PAGLALAKBAY. Karaniwang makikita ang ganitong larawan sa mga lansangang dinaanan ng bagyong "Nina" sa Bicol Region. Kuha ang larawang ito sa pagitan ng Baao, Camarines Sur at Iriga City. Kumikilos na ang mga pamahalaang lokal upang maalis ang mga natumbang poste sa lakas ng hangin. (Melo M. Acuna)
MUSEO, NAPINSALA. Napinsala ang Philtranco Museum, isang landmark sa Iriga City sa lakas ng bagyong dumaan sa Bicol Region noong Linggo ng gabi. Wala pang balita kung sino ang mangangasiwa sa pag-aayos ng mahalagang gusaling ito. (Melo M. Acuna)
NAGMISTULANG KALANSAY ANG MGA PUNO SA ALBAY. Nawala ang mga dahon ng karamihan ng mga puno sa Daang Maharlika sa Albay Province dahil sa lakas ng hangin. Karaniwan na itong nakikita matapos dumaan ang malalakas na bagyo. (Melo M. Acuna)
MGA TAHANANG NAGIBA NG BAGYO. Makikita sa magkabilang panig ng Daang Maharlika sa pag-itan Polangui at Oas sa Albay. Higit sa 30,000 tahanan ang napinsala sa Bicol Region ayon sa pamahalaang pambansa. (Melo M. Acuna)
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |