|
||||||||
|
||
Magiging matatag ang Pilipinas sa larangan ng foreign policy
MAS MATATAG ANG TAYO NG PILIPINAS NGAYON. Para kay Prof. Richard Heydarian, maganda at mas matatag ang tayo ng Pilipinas sa foreign policy sa pagiging chairman ng ASEAN ngayong 2017. (Melo M. Acuna)
NANINIWALA si Professor Richard Javad Heydarian na higit na magiging matatag ang Pilipinas sa larangan ng foreign policy ngayong taon matapos ang anim na buwang pagsubok.
Malaki na ang ipinagbago ni Pangulong Duterte mula sa pagiging alkalde ng Davao City noong nakalipas na taon at hindi madaling mapagitna sa nagtutunggaling mayayamang bansa tulad ng America at Tsina.
Malaki rin ang magiging papel ng Pilipinas sa pagiging chairman ng Association of Southeast Asian Nations na magdiriwang ng ika-50 taon ngayon 2017. May posiblidad ring dumalaw sa bansa sina Pangulong Donald Trump ng America at si Pangulong Vladimir Putin ng Russia sapagkat kabilang sila sa mga kaibigan ng ASEAN.
Kung sakaling hindi na makialam ang America sa Asia, tulad ng binalak ni Pangulong Barack Obama sa kanyang US Pivot to Asia, malaki ang posibilidad na pumasok sa eksena ang Japan sapagkat malaki rin ang nakataya sa larangan ng kanilang seguridad at ekonomiya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |