Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Turismo ng Pilipinas, patok sa Tsina

(GMT+08:00) 2017-01-06 11:08:50       CRI

"As of September [2016], na-beat na natin iyong last year's arrivals," ito ang ipinahayag, Disyembre 28, 2016 ni Niel Ballesteros, Tourism Attache ng Pilipinas sa Tsina, sa "Year-end Appreciation Dinner" na ginanap sa Hilton Hotel, Beijing.

Sinabi ni Ballesteros na noong 2015, 490,841 ang bilang ng mga Tsinong bumisita sa Pilipinas, pero sa taong 2016, Setyembre pa lamang ay mayroon nang 537,000.

Aniya pa, dahil sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Tsina, nabago ang pananaw ng maraming Tsino hinggil sa Pilipinas, at ang relasyon ng dalawang bansa ay naibalik sa pagiging matalik na magkaibigan.

Ang target Chinese tourist arrivals ng Department of Tourism (DoT)-Beijing Office para sa 2016 ay 550,000, at buong pagmamalaking sinabi ni Ballesteros na malaki ang posibilidad na malampasan ito, at posibleng umabot pa sa 580,000 hanggang 600,000.

Para sa taong 2017, ang target Chinese tourist arrivals ng Pilipinas ay 1 milyon.

Naghahanda na aniya ang Pilipinas sa pagtanggap ng 1 milyong turistang Tsino.

Aniya pa, nangako rin ang Pamahalaang Tsino na tutulong upang dagdagan ang mga lipad ng mga Chinese airlines papunta sa Pilipinas upang magkaroon ng mas maluwag na linya ng transportasyon tungo sa maraming destinasyong panturista sa Pilipinas.

Ani Ballesteros, para maabot ang target na 1 milyong turistang Tsino, kailangang magkaroon ng 210 lipad ng mga eroplano papuntang Pilipinas kada linggo.

Sa kanya namang pambungad na talumpati, ipinahayag ni Rhenita B. Rodriguez, Minister/Consul ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing, ang taos-pusong pasasalamat sa mga turistang Tsino, sa kanilang pagpili sa Pilipinas bilang destinasyon sa kanilang bakasyon.

Ani Rodriguez, ipagpapatuloy ng Pamahalaan ng Pilipinas ang paghahanap ng ibat-ibang paraan upang gawing madali, mas komportable at kaaya-aya ang pagbisita ng mga Tsino sa Pilipinas.

Mang-aawit na Pinoy sa Yearend Party ng DoT

Niel Ballesteros, habang nagtatalumpati

Rhenita Rodriguez (kanan)

Yearend Party ng DoT

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>