|
||||||||
|
||
PINA-IGTING ng Armed Forces of the Philippines ang intensified military operations laban sa Abu Sayyaf at iba pang mga terorista sa Mindanao. Wala umanong pagtataguan ang mga ito, dagdag ni Defense Secretry Delfin Lorenzana.
Sa isang press statement, sinabi ni Secretary Lorenzana na magpapatuloy ang military operations laban sa mga armado sa Mindanao.
Gagamitin ng Armed Forces of the Philippines ang mga eroplano, mga barko at hukbong katihan ng bansa upang huwag nang magpatuloy pa ang pananakot ng mga armado.
Prayoridad pa ng Armed Forces of the Philippines ang kaligtasan ng madla at mga hostage na ginagamit na pananggalang ng Abu Sayyaf.
Naunang binanggit ni Secretary Lorenzana na ang Abu Sayyaf sa ilalim ni Isnilon Hapilon ang kinikilala ng ISIS at kumilos na patungo sa Central Mindanao upang magtatag ng caliphate o isang Islamic state.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |