|
||||||||
|
||
20170214maarte.mp3
|
Mga kaibigan, ngayong araw ay ika-14 ng Pebrero, Araw ng mga Puso. Bago natin umpisahan an gating palatuntunan ngayong gabi, nais ko munang bumati ng isang matamis na matamis na Araw ng mga Puso sa inyong lahat. Ngayong gabi, ibabahagi namin sa inyo ang ilang tradisyonal na love song ng Tsina, at bawat isa sa mga ito ay mayroong isang love story ayon sa old fairy tales ng Tsina.
Ang unang kuwento ay ang Butterfly Lovers. Ito ang isa sa mga pinakakilalang tradisyonal na love story sa Tsina. Noong ancient China, ang mga kababaihan ay walang karapatang mag-aral. Kaya si Zhu Yingtai, female leading role ng Butterfly Lovers, ay nagbalat-kayo bilang isang lalaki at nag-aral sa eskuwela. Doon niya nakilala si Liang Shanbo, male leading role ng kuwentong ito, at they fell in love. Pero, dahil mahirap si Liang, hindi sumang-ayon ang magulang ni Zhu sa kanilang pagpapakasal. Sapilitan ding ipinakakasal si Zhu sa ibang lalaking may mayamang pamilya.
Sa bandang huli, sina Liang at Zhu ay namatay at ang kanilang mga espiritu ay naging magkaparehang paru-paro. Maraming artworks hinggil sa kuwentong ito, pinili namin ang pinakakilalang bersyon ng violin concerto "Butterfly Lovers."
Romatiko talaga ang Butterfly Lovers, pero ito ay isang malungkot na kuwento. Kumpara rito, ang ikalawang kuwento ay mas masaya. Ang pamagat nito ay "Feng's Courtship to Huang." Ang Fenghuang ay mythical bird sa tradisyonal na kuwento ng China. Ang male bird ay "Feng " at ang female bird ay "Huang."Noong Han dynasty ng Tsina, mayroong isang guwapo at matalinong batang lalaki na si Sima Xiangru. Isang araw, pumunta siya sa banquet ni Zhuo Wangsun, pinakamayamang tao sa kabayanan. Doon, nakita ni Sima si Zhuo Wenjun, ang batang anak ni Zhuo Wangsun. Maganda siya, at na-love at first sight si Sima sa kanya. Pero, maraming tao sa bangkete at hindi masabi ni Sima sa babae ang nararamdaman.
Kaya, kinatha ni Sima on the spot ang isang musika para ipakita ang kanyang pagmamahal. Kung mapakikinggan ni Zhuo Wenjun ang musikang ito, malalaman niya na inlove si Sima sa kanya. Sa bandang huli, napakinggan ng babae ang kanta at nagkatuluyan sila. Narito ang gentle na musika ni Sima Xiangru, "Feng's Courtship to Huang," na tinugtog gamit ang isang matandang instument ng Tsina, ang Guqin.
Isang tradisyonal na Chinese Painting na nagdescribe ng kuwento ng "Feng's courtship to Huang"
Ang last kuwento ay pinakaromantiko —— The Peony Pavilion. Si Du Liniang, female leading role ng kuwentong ito, ay isang miss-noble. Isang araw siya ay namasyal sa hardin ng kanyang pamilya at nagtungo sa sa Peony Pavilion. Natulog siya at nagkaroon ng panaginip. Sa panaginip, nakilala niya ang isang guwapong batang lalaki, na si Liu Mengmei. Nang magising, nagkaroon ng lovesick si Du Liniang. Gusto niyang mahanap ang lalaki sa kanyang panaginip. Hanggang sa pagkamatay niya, hinahanap pa rin niya ang lalaki. Pero, hindi namatay ang kanyang espirito at ipinagpapatuloy ang paghahanap kay Liu Mengmei. Sa bandang huli, nahanap ni Du Liniang si Liu Mengmei sa isang malayong bayan. Dahil sa kanyang malalim na pagmamahal, naawa sa kanya ang mga bathala, kaya pinayagan nila si Du Liniang na muling mabuhay sa mundo, para makasama si Liu Mengmei. Sa bandang huli, sila ang nagpakasal.
Ang kuwento ng The Peony Pavilion ay isinulat ni Tang Xianzu, isang drama writter sa Ming Dynasty ng Tsina. Hanggang ngayon, marami pa ring tao ang may gusto ng kuwentong ito. Noong Ming Dynasty, ang pinakapopular na music form ay Kun Opera, isang ancient opera sa Tsina, at ang kuwentong Peony Pavilion ay inaawit sa Kun Opera. Narito ang musika.
Post ng Kun Opera ng The Peony Pavilion na may dalawang leading roels na sina Du Liniang at Liu Mengmei
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |