Impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte, bahagi ng destabilization
NANINIWALA si Presidential Spokesperson Ernesto Abella na ang impeachment complaint ni Magdalo Party List Congressman Gary Alejano ang pinakahuli sa may ponding destabilization campaign laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sa ginawa ni G. Alejano na pagpaparating ng reklamo sa huling araw ng sesyon ang magbibigay sa kanya ng isang buwan at kalahating kalayaan sa mga pagpuna ng mga kapwa niya mambabatas.
Ang ginawang ito ni Congressman Alejano ay naging dahilan upang magpahayag at manakot ang European Union na nagoyo ng maling human rights reports mula sa may ponding non-government organizations at ng isang video na inilabas sa United Nations na bumugbog sa Philippine National Police.
Itinuro ni G. Abella ang kampanyang laban kay Pangulong Duterte ay kinasasangkutan ng mga senador at matataas na opisyal na tumutuligsa sa mga institusyong lumalaban sa krimen at mga kontrabando na natriple noong panahon nila. Layunin nilang ipagtanggol ang kanilang sariling interes, dagdag pa ni G. Abella.
1 2 3 4 5