|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
NAKAALERTO ang mga kawal ng Eastern Mindanao Command upang maiwasan ang anumang kaguluhang gagawin ng Abu Sayyaf matapos masugpo ang pagkilos sa Inabanga, Bohol.
Sinabi ni Major Ezra Balagtey, tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command na ginawa ang alert status upang maiwasan din ang pagkilos ng mga NPA kasunod ng sagupaan sa Bohol.
Matagumpay umano ang ginawang operasyon sa Bohol laban sa Abu Sayyaf na nakarating sa Bohol sakay ng tatlong speedboat mula sa Zamboanga.
Nagpadala na rin ang Tactical Operations Group 10 ng Philippine Air Force sa Cagayan de Oro City ng dalawang eroplano at mga tauhan upang tumulong sa paghahabol sa nalalabing kasapi ng Abu Sayyaf.
Nagpadala na rin ng tauhan ang Naval Forces Eastern Mindanao sa Central Command kahapon sa pagpapatuloy ng pursuit operations.
Saklaw ng EastMinCom ang Davao Region, CARAGA, Misamis Oriental, Bukidnon, at Sarangani, South Cotabato, North Cotabato at General Santos City.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |