Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Masigasig na pagtatayo ng mga pagawaing-bayan, sinimulan na

(GMT+08:00) 2017-04-18 18:18:51       CRI

Uunlad ang Pilipinas, ayon kay Secretary Ernesto Pernia

PAGHAHANDA, KAILANGAN. Kahit pa maganda ang takbo ng ekonomiya, may mga hamon mula sa loob at labas ng bansa. Ito naman ang paalaal ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia. Halimbawa ang pagbabago sa panahon at paggalaw ng presyo ng petrolyo. (Melo M. Acuna)

SINABI ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia na uunlad ang bansa sa pamamagitan ng mataas na household consumption o paggasta ng mga mamamayan na sasabayan ng tumataas na foreign remittances, pagkakaroon ng mas maraming hanapbuhay, mababang inflation at mababang interest rates.

Ito ang kanyang binanggit sa paglulunsad ng Dutertenomics sa Conrad Hotel kanina. Makatutulong din ang paggasta ng pamahalaan sa mga pagawaing-bayan. Makatutulong din ang pag-unlad ng manufacturing sector, mas mabilis na pagpapatupad ng Public-Private Partnership, mas mabilis na paggawa ng mga pagawaing-bayan at exports ng services tulad ng IT-Business Process Management at maging ang Turismo.

Sa larangan ng supply side, ang pagsiglang-muli ng sector ng pagsasaka at pangisdaaan, ang ikalawang bahagi ng MRP, pagpapasigla ng construction industry mula sa masiglang paglalabas ng salapi ng pamahalaan sa pagawaing-bayan at inaasahang pagdagsa ng mga turista, paglawak ng retail trade at patuloy na pag-unlad ng IT-BPM sector.

Sa likod ng mga positibong pananaw, may mga panganib na naka-amba at kailangang paghandaan. Kinabibilangan ito ng mabuway na kaunlarang nagaganap sa Japan at sa European Union, pagbagal ng kaunlaran sa umuunlad na bansa tulad ng Tsina, kawalang katiyakan sa mga pagbabago sa mga palatuntunan ng America, mabuway na paggalaw ng kapital sa iba't ibang bansa, walang katiyakang paggalaw ng presyo ng petrolyo at mga problema sa larangan ng pandaigdigang politika.

Banta mula sa loob ng Pilipinas ang pagbabago sa klima at panahon, problema sa logistics, pagkabalam sa government infrastructure projects, pagpapasara ng mga minahan, 'di pagkakatugma ng mga programa ng pamahalaan at tinaguriang socio-political uncertainties.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>