Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagpupulong ng mga opisyal ng ASEAN, nagsimula na

(GMT+08:00) 2017-04-26 18:15:58       CRI

Pilipinas, 'di makikialam sa mga isyung bumabalot sa South China Sea

KAHIT pa mayroong malaking papel ang Pilipinas sa mga isyung may kinalaman sa South China Sea, mananatiling walang pinapanigan ang bansa bilang chair ng Association of South East Asian Nations (ASEAN).

Sa isang panayam sa isang himpilan ng telebisyon, sinabi ni Ambassador Marciano Paynor, director-general for operations ng ASEAN 2017 National Organizing Council, na ang Pilipinas sa ilalim ni Pangulong Duterte ay hindi babanggit sa pagwawagi ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration na nagpawalang-saysay sa mga naunang pahayag ng Tsina sa South China Sea.

Inaayos pa ang magiging pahayag at bilang chair, kailangang maging neutral ang paninindigan ng bansa. Kahit pa chairman ang Pilipinas hindi mapupwersa ng Pilipinas ang agenda nito sa ibang mga kasaping bansa.

Ang magiging pahayag ng chairman ang final document na ilalabas ng host country sa ngalan ng iba pang mga pinuno ng ASEAN. Sandigan ng ASEAN ang pagkakaisa o consensus at 'di tulad ng ibang bansa sa kanlurang bahagi ng daigdig, nasasabi ng kani-kanilang mga pinuno ang paninindigan.

Sa panig ni DFA Spokesman Robespierre Bolivar, maaaring magbago ang tono ng statement. Ilalabas ito sa oras na maapos ang Summit. Hindi masasabi ngayon kung ano ang magiging laman nito, dagdag pa ni G. Bolivar.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>