Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Arbitration ruling, 'di makakasama sa paksa ng ASEAN

(GMT+08:00) 2017-04-27 21:21:54       CRI

Paglutas sa kahirapan, kailangan

SINABI ni G. Jose "Joey" Concepcion III, chairman ng ASEAN Business Advisory Council na kailangang malutas ang kahirapan sa rehiyon upang mahigitan ng pangrehiyong samahan ang 50 taong pagkakatatag nito.

Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag sa Conrad Hotel, sinabi ni G. Concepcion na kailangang maging layunin ng mayayamang kasapi ng ASEAN na tulungan ang mahihirap na bansa sa rehiyon. Ang mga bansang tulad ng Singapore at Malaysia ay marapat lamang na tumulong sa mahihirap na bansang hindi binanggit ni G. Concepcion.

Ang kahirapan, tulad ng karanasan ng Pilipinas ang ugat ng mga problemang tulad ng drug addiction at iba pang mga krimen.

Ang ASEAN ABAC ang punong-abala sa "Prosperity for All Summit" na idaraos sa City of Dreams bukas ng umaga. Katatampukan ito ng mga kinatawan ng iba't ibang pamahalaan, mga kinatawan ng kalakal at iba pang mga sangkot sa micro, small at medium enterprises sa ASEAN.

Ipinaliwanag ni G. Concepcion na sa Pilipinas, 99.6% ng mga bahay-kalakal ang maituturing na kasama sa micro-small-medium enterprises at tanging .4% lamang ang masasabing tunay na malalaking kalakal. Obligasyon ng mayayamang korporasyon o bahay-kalakal na tulungan ang micro-small-medium enterprises upang magkatotoo ang layuning inclusive growth.

Bukod sa layuning mamulat ang karamihan sa pangangailangang magtulungan, kailangan ding magkaroon ng mga handang tumulong upang magturo sa mga mangangalakal ng paraan sa pagtatagumpay ng negosyo. Halos kahalintulad rin ng larawan sa Pillipinas ang nagaganap sa iba't ibang bansa sa rehiyon, dagdag pa ni G. Concepcion.

Sa tanong kung paano mabubuhay ang maliliit na kalakal sa ilalim ng rehimeng nagsusulong ng deregulasyon, privatization at liberalization, sinabi ni G. Concepcion na kailangang magkaroon ng balanseng pagpapatupad ng mga palatuntunan tulad ng pagtrato sa mga magsasakang umaasa sa palay.

Kailangang gumamit ng hybrid rice seeds ang mga magsasaka at matulungan ng pamahalaan sa mga pagawaing bayan samantalang mayroong kaukulang pautang mula sa pribadong sector.

Wala umanong katotohanan ang pahayag ng ilang exclusive club ang ASEAN sapagkat kapakipakinabang sa lahat ng bansa sa rehiyon ang pagtutulungan lalo pa't tutulong ang mga malalaking kalakal sa maliliit na negosyante. Kailangang matiyak na walang maiiwanan sa pag-unlad.

Nakatakdang magsalita sina Malaysian Prime Minister Dato Sri Najib Razak at Thai Prime Minister General Prayut Chan-o-cha samantalang inaasahang makadadalo at makapagsasalita si Vietnamese Prime Minister Nguyen Xuan Phuc sa kanilang karansan matapos ang matagal na digmaan.

Nakatakda ring magsalita si Vice President Leni Robredo at si dating Pangulo at ngayo'y Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo sa pagtitipong dadaluhan ng may higit sa 1,000 mga panauhin.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>