|
||||||||
|
||
20170525BeltAndRoad.mp3
|
Idinaos Mayo 14 hanggang 15, 2017 sa Beijing ang Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF). Lumahok dito ang ibat-ibang lider ng daigdig na kinabibilangan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina, layon ng konstruksyon ng "Belt and Road" ay isakatuparan ang estratehikong pag-uugnayan at pagkokomplemento ng bentahe ng isa't-isa, sa halip na maging isang bagong estratehiya. Kasalukuyang nakikipagkoordina aniya ang Tsina sa mga polisiya ng mga kaukulang bansa na gaya ng Unyong Ekonomiko ng Europa at Asya na iniharap ng Rusya, pangkalahatang plano ng konektibidad ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), "Bright Road" Initiative ng Kazakhstan, "Middle Corridor" Initiative ng Turkey, "Development Road" Initiative ng Mongolia, "Two Corridors, One Economic Circle" Initiative ng Biyetnam, "Northern Powerhouse" Initiative ng Britanya, at "Amber Road" Initiative ng Poland.
Sa panahon ng BRF, idinaos din sa Grand Hyatt Hotel sa Beijing ang Dutertenomics in China. Dito, ipinaliwanag ng mga economic manager ng Pilipinas ang plano ng administrastong Duterte upang paunlarin ang ekonomiya ng Pilipinas at buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng "Build, Build, Build" Program. Kabilang po sa mga lumahok na kalihim ay sina Kalihim Art Tugade ng Department of Transportation (DoTr), Kalihim Ramon Lopez Department of Trade and Industry (DTI), Kalihim Silvestre Bello III ng Department of Labor and Employment (DOLE), Kalihim Benjamin Diokno ng Department of Budget and Management (DBM), etc.
Sa kagandahang palad at sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina, nakapanayam po ng inyong lingkod ang dalawa sa mga nabanggit nating kalihim: sina Kalihim Art Tugade ng Department of Transportation (DoTr), Kalihim Ramon Lopez Department of Trade and Industry (DTI).
Sa atin namang panayam kay Kalihim Ramon Lopez ng Department of Trade and Industry (DTI), sinabi niyang ang BRF ay ang platapormang pangkooperasyon ng Tsina kung saan isinusulong ang magkakasamang pag-unlad.
Aniya, nais talaga ng Tsina na ibahagi ang benepisyo, pag-unlad at kaalaman nito sa mga mamamayan ng mga bansa't kontinente ng mundo, tulad noong sinaunang panahon.
Dagdag niya, ito ang paraan ng Tsina upang sabihin sa lahat, na ito ang daan sa pagpuksa sa kahirapan.
Secretary Art Tugade
Secretary Ramon Lopez(kaliwa)habang kinakapanayam ni Rhio Zablan
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |