|
||||||||
|
||
170516maartetapos.mp3
|
Mga kaibigan, ang musika sa programa ngayon, na naririnig po ninyo ay isang uri ng Huang Mei Opera na pinamagatang "Magandang Kabataan."
Ang kuwentong ito ay intersante at tungkol sa katapangan ng isang Budistang monghe, at Budistang madre. Ayon sa awit, sila ay nagmamahalan at pagkaraan ng maraming pagsasa-alang-alang, nagdesisyon silang mamuhay malayo sa sibilisasyon. Sa bandang huli, nagpakasal sila at nabuhay nang masaya. Ang kuwentong ito ay inawit sa maraming pagtatanghal tulad ng Kung Opera at Beijing Opera. Siyempre, ang kuwentong ito ay bahagi rin ng Huang Mei Opera.
"Magandang Kabataan."
Ang Huang Mei Opera ay isa sa mga kilalang tradisyonal na Chinese Opera. Pero, kumpara sa Pingtan ng Su Zhou, mas matanda ang Huang Mei Opera. Ibig sabihin, mayroo itong mas mahabang kasaysayan: mula Tang Dynastyhanggang ngayon. Mas komplikado rin nilalaman at kakayahan na kailangan sa Huang Mei Opera. Halimbawa, mayroong tatlong uri ng musika ang ginagamit sa Huang Mei Opera: coloratura, character songs at basic tunes. Ang 104 na coloratura tunes ay mula sa mga folk songs, tea-picking songs at iba pang gawain. Ang ikalawang musika na ibabahagi namin sa audio, ay may masaganang tono. Ang pamagat nito ay "Ang mga Bulaklak."Ang awiting inyong narinig ay naglalarawan ng tagpo sa pamamasyal sa tagsibol ng dalawang magsing-irog. Kapag tagsibol daan-daang bulaklak ang namumukadkad, at sa awiting ito, pinapupurihan ng magsing-irog ang kagadahan ng mga bulaklak.
"Ang mga Bulaklak."
Ang Huang Mei Opera ay nagpapakita ng araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan, kaya, ang karamihan sa mga nilalaman nito, tulad ng Ang mga Bulaklak, ay hinggil sa ordinaryong pamumuhay ng mga tao. Narito ang isa pang magadang awitin ng Huang Mei Opera, na naglalarawan ng masayang tagpo sathe Lantern Festival, tampok ang isang mag-asawa.Siyempre, bukod sa musikang naglalarawan sa pamumuhay ng mga tao, ang Huang Mei Opera ay mayroon ding awit para sa mga maringal na situwasyon, at kadalasan, ito ay mga alamat ng Tsina, na inaawit sa loob ng mahabang oras.
Lantern Festival
Isang halimbawa ay ang "Returning Home Together." Ito ay isang bahagi ng alamat nina Niu Lang at Zhi Nv. Ang kuwentong ito ay mayroong isang pang pamagat "Tian Xian Pei," na nangangahulugang "A Fairy Married a Human." Si Zhi Nv ay isang fairy, at si Niu Lang ay isang magsasaka.
"Tian Xian Pei"
Ang last song na ibabahagi namin sa inyo sa audio, ay The Female Consort Prince. Ito ay tungkol kina Feng Suzhen at Li Zhaoting, magsing-irog noong ancient China. Siyempre, tulad ng maraming alamat na Tsino, hindi sang-ayon ang magulang nila sa kanilang pagpapakasal, kaya, nagdamitlalaki si Feng Suzhen at pumunta sa Beijing. Dito, lumahok siya sa imperial examination, at nakuha ang first place. Ayon sa rule ng royal family, ang mga nakapasa sa imperial examination ay maaring magpakasal sa isang prinsesa. Kaya si Feng puwersahang ipinakakasal sa isang prinsesa. Sa gabi ng kasal, sinabi ni Feng ang katotohanan sa prinsesa. Naintindihan ng prinsesa ang kalagayan ni Feng kaya tumulong ito upang magkatuluyan sina Feng Suzhen at Li Zhaoting.
"The Female Consort Prince"
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |