Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tradisyonal na operang Tsino: Yue Opera.

(GMT+08:00) 2017-06-08 18:53:06       CRI

 

Mga kaibigan, noong nakaraang linggo, nag-enjoy tayo sa Huang Mei Opera. Para naman sa ating palatuntunan ngayong gabi, papakinggan naman natin ang Yue Opera, na mula naman sa Shaoxing, lalawigang Zhejiang, at pinaunlad sa Shanghai.

At bilang panimula, narito ang isang awit ng Yue Opera, "The First Meeting." Ang kantang ito ang prelude ng obrang "A Dream in Red Mansions." Inilalarawan ng "The First Meeting" ang unang pagtatagpo nina Jia Baouy at Lin Daiyu, male at female leading role ng "A Dream in Red Mansions."

Kadalasang ginagamit sa mga opera ng Tsina ang mga tradisyunal obra o alamat: halimbawa ang kuwento ng "A Dream in Red Mansions" ay komong tema ng iba't ibang opera at ibang art work ng Tsina. Kahit itinatanghal ng ibat-ibang mga opera ang iisang kuwento, ang paraan ng pagtatanghal ay iba. Kaya naman, ang estilo at aesthetic perception na idinulot ng mga ito sa mga tao ay iba rin.

Sa naturang awitin, ginamit ng singer ang diyalekto ng lalawigang Zhejiang. Bakit? Mula kasi sa Zhejiang ang kasaysayan nito.

The First Meeting

Sa ngayon, mayroon nang mahigit 160 taong kasaysayan ang Yue Opera. Noong 1852, sa isang maliit na nayon na kung tawagin ay "Sheng," sa lalawigang Zhejiang, nabuo ang " Awit ng Nayon ng Sheng," ito ang maagang yugto ng Yue Opera.

Mula sa maliit na Nayon ng Sheng, kumakalat ang " Awit ng Nayon ng Sheng," sa Shaoxing, isa pang lunsod sa Zhejiang. Ang Shaoxing ay isang malaki at masaganang lunsod na mayroong malaking populasyon, kaya, nakilala ang "Awit ng Nayon ng Sheng," at naging "Shaoxing Opera."

Tulad ng Huang Mei Opera, noong 1930s, ang Shanghai na malapit sa Shaoxing ay nagtamo ng malaking pag-unlad sa kabuhayan, lipunan, at kultura.

Kapuwa ang Nayon ng Sheng, Shaoxing at Shanghai ay lunsod sa lalawigang Zhejiang, kaya, isang diyalekto ang gamit ng mga ito. Kaya, ang Shaoxing Opera ay naging popular din sa Shanghai. Pagkaraan ng walang humpay na pag-unlad, nakilala ang Yue Opera na naririnig natin ngayon. Mga kaibigan, ang ikalawang awit ng Yue Opera na ibabahagi namin sa inyo ngayong gabi, ay ang "Kuwento ni Liu Yi." Ito rin ay isang matandang alamat ng Tsina. Si Liu Yi ay isang may-pinag-aralang batang lalaki. Isang araw, sa kanyang pagbabasa sa tabi ng ilog, nakita niya ang isang magandang babae na umiiyak. Sinabi ng babae na siya ay ang bunsong anak ng haring dragon ng Ilog Qiantang, at asawa ng bunsong anak ng haring dragon ng Ilog Jing. By the way, ayon sa alamat ng Tsina, ang bawat ang ilog, lawa o dagat ay may namamahalang haring dragon.

Hindi masaya ang prinsesa sa kanyang buhay, dahil hindi maganda ang trato sa kanya ng anak ng haring dragon ng Ilog Jing. Pinakiusapan niya si Liu na dalhin ang isang mensahe sa kanyang ama para siya'y iligtas.

Pagkaraan ng maraming kahirapan, nai-abot ni Liu ang mensahe sa haring dragon ng Ilog Qiantang. Nailigtas ng ama ang prinsesa, at nagpakasal ito si Liu.

Liu Yi

Narito ang awit na nagsasalaysay sa kuwentong ito. Mga kaibigan, ang last song na ibabahagi namin sa inyo ay napaka-espesyal. Ang Yue Opera ay ang sining na pinagmumulan ng kultura ng Han nationality, pero, ang awiting ibabahagi namin sa inyo ay Mongolia style. Ito ang "A Prince from the Desert."Ang script nito, ay hindi matandang alamat: isinulat lamang ito noong 1946. Ang awiting ito ang kauna unang obra sa buong Yue Opera na nagpapakita ng kuwento ng ibang nationality bukod sa Han Nationality.

Ang kuwentong nito ay hinggil sa love story ng isang prinsipe ng Monggalia. Ang musika nito ay maraming elemento ng Monggolia.

A Prince from the Desert

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>