|
||||||||
|
||
rhioblog
|
Ibat-ibang pagtatanghal ang inihandog ng mga Pilipinong dumalo sa pagtitipon tulad ng tradisyonal na sayaw ng mga Igorot, masaya at kaindak-indak na mga kanta, pag-awit ng "Bayan Ko" ng kilalang mamamayahag at dating Cable News Network (CNN) Beijing Bureau Chief na si Jaime FlorCruz, at marami pang iba.
Kasama rin po na dumalo sa pagtitipon ang mga miyembro ng Filipino Chinese Spouses Organization (FCSO). Ano po ito? Ang FCSO ay isang organisasyon ng mga Pinoy na kasal sa mga Tsino.
Ito po ay isang matibay na tulay ng pagkakaunawaan at pagpapalitan sa pagitan ng mga mamamayang Pilipino at Tsino, at isa po ang inyong lingkod sa mga miyembro ng FCSO.
Sa ngayon, may 68 miyembro na po ang FCSO: ibig sabihin, 68 pamilyang Pinoy at Tsino.
Ano naman ang layon ng FCSO? Ano ang mga aktibidad nito? At paano ito nakakatulong sa mga Pilipinong nasa Tsina? Para sagutin ang mga tanong na iyan, narito sina Ate Joyce at Kuya Ogie.
Mga miyembro ng FCSO
Si Joyce, Pangulo ng FCSO
Sina Joyce at Ogie
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |