|
||||||||
|
||
RHIO
|
Mayaman ang lupa ng Pilipinas, mayroon din itong sapat na ulan at araw na tamang-tama sa pagyabong ng mga pagkaing-butil, namumungang punung-kahoy, pag-usbong ng mga tropikal na kagubatan at siyempre, pagtubo ng kawayan at rattan.
Sa mga bansang Timogsilangan at Silangang Asya at ilang bansang Aprikano lamang tumutubo ang kawayan. Samantalang, eksklusibong sa Timogsilangan at Silangang Asya lamang matatagpuan ang rattan.
Ang Pilipinas at Tsina ay dalawa sa mga bansang pinagpalang magkaroon ng dalawang halamang ito.
Noong nakaraang episode, nagkaroon po tayo ng talakayan kasama si Dr. Hans Friederich ng International Bamboo and Rattan Organization (INBAR) hinggil sa sustenableng paggamit ng kawayan at rattan upang mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan ng mundo, partikular sa Pilipinas at Tsina. Ikinuwento ni Dr. Friederich na nakikipag-usap na sila ngayon sa pamahalaang Pilipino upang gamitin ang mga desk at upuang gawa sa kawayan sa mga paaralan. Pero, siyempre, hindi ito madali at kailangan ng mas maraming koordinasyon.
Sa episode natin ngayong gabi, itutuloy natin ang ating naunsiyaming kuwentuhan upang malaman po natin ang mas marami pang bagay hinggil sa misyon ng INBAR at kanilang mga programang nakakabuti sa mga Pilipino at Tsino.
Dr. Hans Friederich at Dr. Wu Junqi
Dr. Hans at Rhio
Dr. Hans
Dr. Hans
Dr. Hans
Dr. Hans
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |