Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kooperasyon ng Tsina at Pilipinas sa pamamahayag, patuloy na lumalakas

(GMT+08:00) 2017-07-12 17:34:46       CRI

Bilang bahagi ng patuloy pang lumalakas at bumubuting kooperasyon sa pagitan ng mga media ng Tsina't Pilipinas, dumalaw noong Hulyo 6, 2017 ang 27-kataong delegasyong pang-media ng Pilipinas sa tanggapan ng Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina (SF-CRI) sa Beijing.

Sa maikling presentasyon bilang panalubong, isinalaysay ni Jade Xian, Direktor ng SF-CRI ang ibat-ibang gawain ng naturang Serbisyo: kabilang na ang mga programa sa radyo, website at social media, paraan ng pangangalap ng balita, kooperasyon sa iba pang media ng Pilipinas at marami pang iba.

Ipinakita rin sa mga miyembro ng naturang delegasyon ang mahahalagang bagay sa loob ng tanggapan ng CRI na nagpapakita sa kasaysayan nito, partikular ang kasaysayan ng Serbisyo Filipino.

Sa panayam ng inyong lingkod kay Novelen Lozada, Executive Assistant II, Presidential Communications Operations Office (PCOO) at Puno ng Delegasyon Pilipino, sinabi niyang sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina noong Oktubre 20, 2016, nilagdaan ng PCOO at Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang Memorandum of Understanding (MOU) on News and Information Exchange, Training and for Other Purposes. Dahil dito, naimbitahan aniya ang 27 mamamahayag ng Pilipinas na bumisita sa Tsina, upang tingnan ang mga pag-unlad na natamo ng bansa sa larangan ng media at makipagpalitan sa kanilang mga counterpart na Tsino.

Dagdag pa niya, napakainam na mayroong Serbisyo Filipino dahil ito ang daan upang maipa-abot sa mga kababayang Pilipino, na nasa Pilipinas kung ano ang tunay na nangyayari sa Tsina.

Ayon naman kay Apolonio Anota III, Media Accrediation and Relations Officer ng PCOO, "eye-opener" ang karanasan niya sa Tsina, at kahanga-hanga ang mga bagong teknolohiya at kaalaman ng Tsina sa pamamahayag.

Aniya, marami nang pag-unlad ang nakamtan ng Tsina sa larangang ito, at ito ang gusto niyang matutunan ng mga mamamahayag na Pilipino upang mapaunlad din ang industriya ng pamamahayag ng Pilipinas.

Dagdag pa ni Anota, hindi niya malilimutan ang mga natutunan kung paano gamitin ng Tsina ang multi-media sa pagpapa-abot ng mga saligang impormasyon sa mga mamamayan.

Ayon naman kay Marianne Angela Abella, Senior Community Manager ng PCOO, sobrang family-oriented, at hospitable ang mga Tsino.

Aniya pa, sa kanyang pananatili sa Tsina, nakita niyang malambing, at mababait din ang mga Tsino.

Noong Pebrero 2017, pinamunuan ni Presidente Wang Gengnian ng CRI ang isang delegasyon patungo sa Pilipinas upang lagdaan ang mga Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Presidential Communications Operations Office (PCOO), People's Television Network (PTV), Radyo ng Bayan, at Philippine News Agency (PNA).

Ang mga MOA na ito ang magiging daan sa pagbubukas ng bagong kabanata sa pagpapalitang pang-media ng Tsina at Pilipinas.

Mga kaibigan, nasabi natin kanina, na nagkaroon po ng pagkakataon ang inyong lingkod na kapanayamin ang ilan sa mga miyembro ng delegasyon ng PCOO, kasama na ang kanilang head of delegation na si Novelen. Narito po at pakinggan natin ang kanilang tinig.

An Xiaoyu, Direktor ng Southeast Asia Broadcasting Center (kaliwa) at Jade Xian, Direktor ng Serbisyo Filipino (kanan) habang ipinapahayag ang mainit na pagtanggap sa delegasyong pang-media ng Pilipinas

Jade Xian, Direktor ng Serbisyo Filipino, habang isinasalaysay ang mga gawain at programa ng SF-CRI

Mga miyembro ng delegasyong pang-media ng Pilipinas, habang nakikinig sa presentasyon

Matatamis na ngiti ng mga miyembro ng delegasyong pang-media ng Pilipinas

Novelen Lozada, Puno ng Delegasyon Pilipino (kaliwa) at An Xiaoyu, Direktor ng Southeast Asia Broadcasting Center, habang nagpapalitan ng regalo

Mula sa kaliwa Apolonio Anota III, Novelen Lozada at Marianne Angela Abella

Rhio Zablan (kaliwa), habang kinakapanayam sina Apolonio Anota III, Novelen Lozada at Marianne Angela Abella

Mga miyembro ng delegasyong pang-media ng Pilipinas, habang tinitingnan ang mga ala-ala mula sa mga tagasubaybay at kaibigan ng Serbsiyo Filipino

Mga miyembro ng delegasyong pang-media ng Pilipinas, kasama si Jade Xian, Direktor ng Serbisyo Filipino (gitna) sa isang photo-op

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>