![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
melo
|
NAKIPAG-USAP si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga naulila ng 101 kawal at pulis sa Marawi City sa isang pagpupulong sa Malacanang kanina.
Binasa ni Pangulong Duterte ang kanyang mensahe at nagpaabot ng kanyang pakikiramay at nagsabing kinikilala ng buong bansa ang kabayanihang ginawa ng mga nasawing alagad ng batas.
Sinabi rin niyang hindi mapapantayan ng salapi ang kawalan ng ama, anak o kapatid at 'di rin mababawasan ang pait at sakit na kinakaharap ng mga pamilya.
Nagpasalamat din siya sa pribadong sektor na tumulong sa mga apektado ng kaguluhan sa Marawi City sa pamamagitan ng Go Negosyo Kapatid for Marawi program.
Nakaipon ang Go Kapatid ng P250,000 sa bawat pamilya ng mga nasawi. Sinabi rin ni Pangulong Dutgerte na mayroong bumalikat ng tig-iisang milyon para sa bawat pamilya ng mga nasawing kawal at pulis.
Dumalo rin sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Defense Secretary Delfin Lorenzana, National Security Adviser Hermogenes Esperon, Labor Secretary Silvestro Bello III, Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, AFP chief of staff General Eduardo Ano at police chief Ronald dela Rosa.
Dumalo rin si dating Pangulo at ngayo'y Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo.
Nanawagan din si Pangulong Duterte sa mga kawal at pulis na nasa Marawi City na ituloy ang laban.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |