![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Melo 20170727
|
Maulang panahon, magpapatuloy
METRO MANILA, BINAHA. Kuha ang larawang ito sa tapat ng Manila City Hall na binaha matapos ang tuloy-tuloy na ulan mula kahapon. Maraming länsångan sa Metro Manila ang binaha at naging dahilan ng pagkakasuspinde ng pasok sa mga tanggapen ng pamahalaan at paaralang pangpubliko. (Melo M. Acuna)
MAKAKAPAL NA ULAP BUMALOT SA METRO MANILA AT KALAPIT-POOK. Karaniwang makikita sa himpapawid ng Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon ang makakapal na ulap na ngbabadya ng ulan. Dala ito ng panahong habagat. (Melo M. Acuna)
KUMILOS na ang bagyong "Gorio" sa direksyon ng hilagang bahagi ng bansa at patungo na sa Taiwan. Kahit hindi direktang tatamaan ang Pilipinas, magpapatuloy itong humatak ng ulang dala ng panahong habagat hanggang sa Sabado.
Kaninang umaga'y nakita ang sama ng panahong si "Glorio" may 615 kilometro sa silangan ng Tuguegarao City sa Cagayan na may hanging aabot sa 85 kilometro bawat oras at pagbugsong hanggang 105 kilometro bawat oras. Inaasahan itong kikilos sa bilis na siyam na kilometro bawat oras at kikilos tungo sa direksyong north-north-east papalayo sa Philippine Area of Responsibility.
Magkakaroon ng banayad hanggang sa malakas na pag-ulan sa kanlurang Luzon kabilang na ang Metro Manila at magkakaroon din ng manaka-nakang pag-ulan sa iba pang bahagi ng Luzon at Visayas.
Naunang nagpalabas ng panawagan ang PAGASA sa mga mamamayang umiwas na sa mga pook na may flash floods a pagguho ng lupa partikular sa Cordillera Region.
May panibagong Low Pressure Area na nakita sa silangang bahagi ng Luzon na magpapalakas pa sa panahong Habagat.
Ilang bahagi ng Metro Manila, silangan at katimugang Luzon ang makararanas ng mga pag-ulan sa mga susunod na araw.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |