Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Balitang kakaiba mula sa Tsina

(GMT+08:00) 2017-07-27 16:02:08       CRI

Ang Tsina ay isang malaking bansang may mahabang kasyasayan. Tulad sa Pilipinas, makikita rin sa Tsina ang maraming kakaiba at kagila-gilalas na bagay at pangyayari. Para sa episode na ito ng Dito Lang 'Yan Sa Tsina (DLYST), titingnan natin ang ibat-ibang kakaiba at kagila-gilalas na pangyayaring nangyari sa Tsina kamakailan.

Ang unang kuwento ay tungkol sa isang lolo na naglakad ng 60 kilometro para hatdan ng pagkain ang kanyang apo.

Sa Nayon ng Jinshan, Guizhou province - Isang 80 taong gulang na lolo ang nag-aalala para sa kanyang apong nagtatrabaho sa karatig-lunsod. Naiisip niya na baka hindi nakakakain ng maayos si Zunyi (kanyang apo), kaya nagdesisyon ang lolo na dalhan ng mga itlog si Zunyi. Pero, para makatipid ng pera, hindi sumakay ng bus si lolo at naglakad na lamang. Kaya, umalis siya ng bahay, alas siyete ng umaga.

Habang naglalakad sa highway, nakita ng mga pulis si lolo na may nakasukbit na malaking basket sa kanyang likod. Kaya, pinahinto siya ng mga pulis. Pero, sa panahong iyan, 12 oras nang naglalakad si lolo at 60 kilometro na ang kanyang nalakbay.

Ikinuwento ni lolo sa mga pulis ang dahilan ng kanyang pagalalakad, kaya naman isinakay na siya ng mga ito sa kanilang kotse at tinulungang hanapin si Zunyi.

Nang makita ng mga pulis si Zunyi at makausap ang lolo, sinabi ng apo na dadalhin niya ang kanyang lolo sa isang espesyal na restawran upang pakainin at makasama.

Maraming netizen na Tsino ang namangha at nabigla sa pagmamahal ng lolong ito sa kanyang apo. Ang iba ay sang-ayon at ang iba naman ay hindi.

Ayon kay Yei Darling: old people sometimes behave in a strange way.

Sinabi naman ni Taimoor Hassan: That's how the old generation love their youngsters. I do believe that it's not a good idea to personally deliver food to his grandson, but I would like to mention that every individual has his own way of expressing love, and this was the way of the grandfather. Salute to this great grandfather!

Ayon kay Shaheer: Mr. Grandpa worries too much. His grandson will be fine. On the plus side, grandpa got a nice round of exercise. Good for his health. Now, they should both sit down to a nice meal and have a good laugh about it.

Ang ating ikalawang kuwento ay tungkol naman sa pagtatanggol sa sarili. Alam natin na ang Tsina ay isa sa mga bansang pinagmulan ng Martial Arts o Wu Shu sa wikang Tsino. Dito makikita at maaring pag-aralan ang ibat-ibang uri ng Wu Shu para sa pagtatanggol sa sarili. Pero, sa paglipas ng panahon at paglala ng terorismo at iba pang krimen, nagkaroon na rin ng maraming pagbabago sa paraan ng pagtatanggol sa sarili.

Kamakailan, naging laman ng mga online news ng Tsina ang "Flaming Self-defense Weapon" na maaring bilhin sa pinakamalaki at pinakamaimpluwensyang online shop ng Tsina, ang "Taobao."

Ayon sa online magazine na "GuideinChina," ito ay "flame thrower that can hurl a stream of fire half a meter long. It is being marketed in China to help women fend-off unwanted advances."

Ayon pa sa "GuideinChina," ang device na ito ay ipinakikilala ng mga shopping website "must-have anti pervert weapon" that can be discreetly carried in ladies' handbag.

Ang device na ito ay mukhang malaking lighter at mabibili sa presyong $10 hanggang $30 sa mga online shop.

Ayon sa manufacturer, ang "Flaming Self-defense Weapon" daw ay maaring makapagpalabas ng apoy mula ilang sentimetro hanggang kalahating talampakan at nakakagawa ng init hanggang 1,800 degree sentigrado – sapat upang "i-disfigure" ang isang masamang-loob.

Ayon sa online na patalastas, legal di-umano ang device na ito, pero, ayon sa The Telegraph, itinanggi ng kapulisang Tsino na ito ay legal.

Ang "Flaming Self-defense Weapon" ay nakatuon bilang "self-defense tool" para sa mga babae, at magagamit laban sa mga manyakis at masasamang-loob.

Ayon pa sa GuideinChina, ipinakikita ng isang advertisement sa Taobao ang isang babaeng hinahabol ang isang lalaki habang hawak ang "Flaming Self-defense Weapon."

Hindi pa maliwanag kung kailan talaga unang lumitaw sa online market ang device na ito, pero ayon sa The Beijing Youth Daily, ang "Flaming Self-defense Weapon" ay naging popular nang tumaas din ang mga "concern" sa sexual harassment nitong tag-init.

Sa kabailang dako, ipinatalastas ng kapulisang Tsino na hindi naaayon sa batas ang device na ito, "technically illegal" ang pagpapadala ng mga ito sa postal service.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>