Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kasaysayan at mga pambihirang pangyayari sa relasyon ng Pilipinas at Tsina

(GMT+08:00) 2017-08-03 17:29:52       CRI

Tulad ng Pilipinas, ang Tsina ay isang lugar kung saan makikita ang maraming magagandang lugar at pambihirang kaganapan, sa nakalipas na 4,000 taon. Sa loob ng panahong iyan, napayabong ng mga ninunong Pilipino at Tsino ang pagkakaibigan, pag-uunawaan at pagpapalitan ng dalawang panig sa maraming larangan, libu-libong taon bago pa man tumapak ang mga mapanakop na Espanyol, Amerikano at Hapones sa dalampasigan ng Pilipinas. Sa episode na ito ng DLYST, muli nating susubukan sulyapan at balik-tanawin ang kasaysayan at pambihirang mga pangyayari tungkol sa pagkakaibigan ng mga Pilipino at Tsino, nitong nakalipas na mahigit isanlibong taong nakalipas.

Beijing at night

Kung tatanungin ninyo ang mga Pinoy na naririto sa Beijing o iba pang malalaking lunsod ng Tsina, malimit ninyong maririnig sa kanila na talagang ligtas o safe ang Beijing. Totoo po iyan! Sa loob ng 7 taon ko pong pananatili at pagtatrabaho sa lunsod na ito, iyan po ang aking maipagmamalaki. Kahit disoras ng gabi at gusto ninyong maglakad-lakad sa kalye, wala pong gagambala sa inyo at makikita ang mga pulis sa halos lahat ng kanto. Dahil sa mga security meaures na ginagawa, kasama na rin ang aktibong pakikisangkot ng mga mamamayan, napapanatiling ligtas, at sumusunod sa batas ang mga taga-Beijing. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit ang Beijing ay kilala sa mundo at paboritong pasyalan ng maraming turista mula sa ibat-ibang panig ng mundo. Siyempre, hindi lang ang mataas na seguridad ng lunsod ang pinupuntahan ng mga tao, naririto rin kasi ang mga lugar na testimonya ng halos 4,000 kasaysayan ng Nasyong Tsino, tulad ng Great Wall, Forbiden City, Tian'anmen Square, Temple of Heaven, Summer Palace, at marami pang iba.

Speaking of kasaysayan, alam po ba ninyo na malaki ang posibilidad na ang Tsina ang unang kaibigan at trade partner ng Pilipinas?

Ayon sa ulat ng Xinhua News Agency, noong Oktubre 30, 2001, sinabi ni dating Pangulong Jiang Zemin ng Tsina, na "The Chinese and Philippine peoples have had a time-honored friendly relationship since the Tang Dynasty (618-907)."

Ayon naman sa website ng chinabusinessphilippines.com, "China and the Philippines have a long and fruitful history. The relationship between the two countries began during the Tang Dynasty (618–907 AD), many years before the Spanish set foot on Philippine soil.

Contact was first made by Chinese merchants who traded and bartered with the natives. Even after the Spanish and the American occupation hundreds of years later, this relationship continued, bolstered by the unique and vital role played in the Philippines by immigrants from China and their descendants."

Naniniwala rin ang mga Pilipinong historian na nagsimula ang relasyong Pilipino-Sino noong 9th century, sa panahon ng Tang Dynasty ng Tsina.

Maraming Tang Dynasty stoneware ang natagpuan sa Babuyan Islands, baybayin ng Ilocos, Pangasinan, Mindoro, Batangas, Manila, Bohol, Cebu, Jolo, at Cagayan de Oro. Ibig sabihin, noong panahong iyan, mayroon nang kaugnayan ang mga sinaunang Pilipino sa mga sinaunang Tsino.

Ayon naman sa ulat ng Rappler noong March 6, 2015, sinabi ni Zhao Jianhua, Embahador ng Tsina sa Pilipinas na "Chinese and Filipino people "began friendly exchanges over 1,000 years ago."

Sinabi ni Zhao na noong panahong iyan, ang mga Pilipino ay nag-angkat ng seda mula sa Tsina, samantalang inangkat naman ng mga Tsino mula sa Pilipinas ang mga tanim na gaya ng mais, patatas, at kamatis. Dagdag pa ni Zhao, ayon sa Philippine statistics, 1.5% ng mga Pilipino ay may dugong Tsino.

"This clearly shows that our two nations are intertwined by both strong kinship and historic ties," aniya

Dagdag pa riyan, alam ba ninyong isa sa ating mga sultan ang minsang naging matalik na kaibigan ng Emperador Yongle ng Ming Dynasty ng Tsina (1368 A.D.—1644 A.D.)? At di lang iyan mga pengyou, ang sultan na ito ay nakalibing sa probinsyang Shandong ng Tsina at magpahanggang ngayon, binabantayan pa rin ng kanyang mga inapo ang musoleong ipinatayo para sa kanya ng Yongle Emperor ng Dinastiyang Ming.

Ang libingan ni Sultan Paduka Pahala ng Sulu ay isang patunay at testimonya sa di-natitinag at di-nagmamaliw na pagkakaibigan ng mga Tsino at Pilipino, sa loob ng libu-libong taon.

Yongle Emperor

Puntod ni Sultan Paduka Pahala

Ayon sa mga datos ng Tsina, dinalaw ni Sultan Paduka Pahala ang Emperador Yongle ng Ming Dynasty noong 1417.

Mainit na pagtanggap ang isinalubong ng emperador Tsino sa sultang Pilipino at kanyang delegasyong binubuo ng ilang daang katao, at 27 araw siyang nanatili sa Beijing.

Pabalik na sana sa Pilipinas ang sultan nang bigla siyang nagkasakit at namatay pagdating sa Dezhou, siyudad sa lalawigang Shandong, dakong silangan ng Tsina, noong ika-13 ng Setyembre, 1417.

Nabalitaan ng emperador ang pagkawala ng kanyang kaibigan, at lubha niya itong ikinalungkot.

Para parangalan ang Pilipinong sultan, inatasan ng Yongle Emperor ang kanyang mga opisyal na bigyan ng isang marangya at pang-estadong libing ang kaibigan.

Kinilala ng Emperador Yongle ang kanyang kaibigan bilang isang matalino at mababang-loob na tao. Higit sa lahat, pinahalagahan niya ang ginawa ni Sultan Paduka Pahala sa higit pang pagpapahigpit ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Inatasan din ng emperador ang kanyang mga tauhan na maglagay ng mga palamuti tulad ng mga inukit sa batong mga tao, kabayo at mga tupa sa katimugang bahagi ng kanyang puntod. Sa ganitong paraan, maihahalintulad ang puntod ng Pilipinong Sultan sa puntod ng mga prinsipeng Tsino.

Kasama ni Sultan Pahala sa pagdalaw sa Tsina ang kanyang maybahay na si Reyna Kamulin at tatlong anak na lalaki. Matapos ang libing ng Sultan, ang kanyang panganay na anak na lalaki, na si Rajah Baginda ay bumalik sa Sulu upang halinhan ang ama.

Si Reyna Kamulin, ang pangalawang anak na si Prinsipe Wen at pangatlong anak na si Prinsipe An, at kanilang mga kawal ay naiwan at nanirahan sa Dezhou upang bantayan ang puntod ng yumaong sultan.

Binigyan din ng pabuya at lupain ng Ming Dynasty ang mga naulila. Kasabay nito, pinadalhan din sila ng karagdagang mga kawal upang bantayan ang puntod.

Sa panahon ng panunungkulan ng Emperador Shenzong noong 1573 hanggang sa mapalitan ng Emperador Xizong noong 1627, isang mosque ang itinayo sa pook na ito.

Hanggang ngayon, pinapangalagaan at pinapaganda pa rin ang libingan ng sultan ng Sulu. Ginawan na rin ng libingan sina Reyna Kamulin at dalawang anak na sina Prinsipe Wen at Prinsipe An.

Sa paglipas ng panahon, ang mga inapo ng Pilipinong sultan ay gumawa rin ng kontribusyon sa kalayaan at pagtatanggol ng Tsina laban sa mga Hapones noong World War II. Mahalagang papel ang ginampanan ng mga inapo ni Sultan Paduka Pahala sa lipunang Tsino.

Sa labas ng daan patungo sa libingan ng Pilipinong sultan, makikita ang isang mosque na pinaglilingkuran ng kanyang mga inapo na sina An Fengdong at Ahung.

Ang musoleong itinayo noong 1417 ay may sukat na halos lima't kalahating ektarya. Ang grand mausoleum ay may taas na higit sa apat na metro at may lawak na 16.6 metro.

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>