Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

$1.2 milyon, suweldo ng trabahong alok ng Tsina sa mga dayuhan

(GMT+08:00) 2017-08-10 16:44:24       CRI

Ayon sa online magazine na ChinaWire, isang trabaho ang inaalok ngayon ng Tsina sa mga expat o laowai, at ang suweldo ng trabahong ito ay $1.2 milyong dolyar.

Pagdating sa space o kalawakan, patuloy na nagpupunyagi ang Tsina at gumagawa ng pioneering experiment.

Noong unang bahagi ng taong ito, ginawa ng Tsina ang pinakamalaking quantum satellite network sa mundo. Ginagamit nito ang quantum mechanics para magkaroon ng secure na linya ng komunikasyon ang pamahalaan ng Tsina, ligtas sa surveillance at espionage.

Isa pa sa mga malaking proyektong pangkalawakan ng bansa ay ang 500m Aperture Spherical Telescope (FAST). Ito ay ang pinakamalaki sa mundo, at naglalayong humanap ng extraterrestial life sa kalawakan, at palalimin ang ating pag-unawa sa pinagmulan ng sanlibutan.

Matatagpuan sa probinsyang Guizhou, ang FAST ay binuksan noong 2016, pero, nagkaroon ng ilang problema, mainly, walang gusto, o qualified magpatakbo nito.

Higit $1.2 milyong dolyar ang suweldong inaalok ng Tsina sa Chief Scientist ng FAST. Bukod pa riyan, maraming ring subsidy ang ibibigay sa sinumang tatanggap at qualified sa posisyong ito, kasama na ang oportunidad upang maging potensyal na recipient ng Nobel Peace Prize.

Ang problema, ayon sa pagsusuri ng Chinese Academy of Social Sciences, walang qualified na Tsino sa posisyong ito, kaya naman inaalok ito sa mga international candidate.

Ang tanong, ano naman kaya ang mga requirement sa posisyong ito? Ang isang kandidato ay kailangang mayroong 20 taong karanasan sa similar field; nagkaroon ng leading role sa ibang large-scale radio telescope project; at may senior position o professorship sa isang kilalang institusyon o unibersidad.

Sa panayam sa South China Morning Post, sinabi ni Wang Tinggui, Propesor ng Astrophysics ng University of Science and Technology of China sa Hefei, at may-kaugnayan sa hiring process, ang mga kahirapan at bigat ng responsibilidad ng posisn ang maaring dahil kung bakit walang gustong kumuha sa nasabing posisyon.

"It's not a job for scientist, it's a job for a superhero," ani Wang.

Sa kabilang dako ng mundo, inaalok naman ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng Amerika ang isang posisyon na " Pulis Pangkalawakan." Parang si Shaider lang ito ah Ang trabaho di-umano ng posisyong ito ay "protektahan ang mundo laban sa mga alien."

Gustong mag-hire ng NASA ng mga taong qualified para sa itatayo nitong "planetary protection office" na magsasanggalang sa mundo kung sakaling sasalakayin ito ng mga alien.

Ang suweldo naman sa posisyong ito ay medyo mas maliit kaysa sa offer ng Tsina: $124, 406 hanggang $187,000.

FAST

FAST habang ginagawa

Shaider

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>