Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-50 Anibersaryo ng ASEAN, ipinagdiwang sa Beijing

(GMT+08:00) 2017-08-16 15:41:16       CRI

Kasabay ng maringal na pagdaraos kamakailan sa Pilipinas ng Ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), hindi rin nagpahuli ang mga mamamayang ASEAN na naririto sa Tsina. Isang flag-raising ceremony at simpleng salu-salo ang idinaos kamakailan sa Embahada ng Indonesia sa Beijing bilang selebrasyon sa nasabing kaganapan.

Bilang kasalukuyang Tagapangulo ng ASEAN Committee-Beijing, inimbitahan ni Embahador Soegeng Rahardjo, Sugong Indones sa Tsina ang lahat ng embahador mula sa mga bansang ASEAN, dialogue partners ng ASEAN, matataas na opisyal ng mga may-kinalamang sangay ng Pamahalaang Tsino, media, at iba pang mga kaibigan para sa nasabing pagtitipon.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Rahardjo na ang ASEAN ay isa na ngayon sa mga nangungunang organisasyon pandaigdig, na gumanap ng importanteng papel sa paghubog ng rehiyonal na kaayusan, at pagkakaroon ng kapayapaan at katatagan sa rehiyong Asya Pasipiko.

Samantala, binasa naman ni Embahador Jose Santiago Sta Romana, Sugo ng Pilipinas sa Tsina ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa Ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng ASEAN.

Sa nasabing mensahe, sinabi ni Pangulong Duterte na ikinararangal ng Pilipinas ang pagiging Tagapangulo ng ASEAN sa taong ito.

Ani Duterte, nakikilahok ang buong Sambayanang Pilipino, kasama ng mga kapatid mula sa Timogsilangang Asya sa muling pagpapatibay ng pangako sa pagtatayo ng isang ASEAN para sa positibong pagbabago sa buhay ng mga mamamayan – isang ASEAN na proaktibo, napapanahon, at transpormatibo.

"Panahon na para sa ASEAN upang gumanap ng natatanging papel at igiit ang posisyon nito sa komunidad ng daigdig," dagdag ni Duterte.

Sa kabilang dako, binasa rin ni Kong Xuanyou, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina ang mensahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina para sa nasabing pagdiriwang.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Xi, ang kanyang mainit na pagbati at pagbati ng mga mamamayang Tsino kay Pangulong Duterte, mga mamamayang Pilipino, mga kasaping bansa at mga mamamayang ASEAN sa pagdiriwang nila ng Ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng nasabing Asosasyon..

Gumaganap aniya ang ASEAN ng mahalagang papel sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon, at nagsisilbi rin itong lakas na kumakatawan sa multipolarisadong pag-unlad ng daigdig.

Hangad aniya ng Tsina na makapagtatamo ang ASEAN ng mas malakas na pag-unlad sa pagtatatag ng ASEAN Community, para makapagkaloob ng mas malaking ambag para sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon at ng mas malaking kapakinabangan para sa mga mamamayan ng ASEAN.

Pagkatapos ng flag-raising ceremony, nagdaos din po ng maikling cultural presentation kung saan itinanghal ang magagandang sayaw at awit Indones.

Pagtataas ng bandila ng ASEAN

Embahador Jose Santigo Sta Romana (ika-2 mula sa kaliwa) habang nanonood ng kultural na pagtatanghal sa Embahada ng Indonesia sa Beijing

Asistenteng Ministrong Panlabas Kong Xuanyou ng Tsina

Embahador Jose Santiago Sta Romana, habang binabasa ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte

Embahador Soegeng Rahardjo ng Indonesia

Kultural na pagtatanghal

Minister and Consul Ivan Frank M. Olea (kalia) at Minister and Consul Elizabeth T. Te (kanan) kasama ang mga kultural na mananayaw Indones

Mga embahador at dialogue partner ng ASEAN

Isa sa mga miyembro ng Jakarta Youth Choir

Jakarta Youth Choir, habang nagtatanghal

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>