|
||||||||
|
||
Patas na pagsisiyasat sa naganap sa Bulacan, tiniyak
SINABI ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na magkakaroon ng patas na pagsisyasat sa naganap na operasyon ng pulisya sa Bulacan kamakalawa na ikinasawi ng 32 katao at pagkakadakip ng 107 iba pa.
Sa isang pahayag, sinabi ni G. Abella na magkakaroon ng "impartial investigation" ang pamahalaan sa likod ng kahilingang mabatid ang katotohanan sa naganap.
Ani G. Abella walang dapat ipangamba sapagkat magaganap ito sa madaling panahon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |