VACC, nanawagang siyasating muli ang pagpaslang kay dating Senador Ninoy Aquino, Jr.
HINILING ni G. Dante Jimenez, pangulo ng Volunteers Against Crime and Corruption sa Duterte Administration na bumuo ng isang espesyal na komisyon upang pagbalik-aralan ang pagpaslang kay dating Senador Ninoy Aquino, Jr. noong 1983.
Sa isang liham na tinanggap ng Malacanang, hiniling ni G. Jimenez na sa pagbuo ng komisyon ang magtutuldok sa pagkabahala ng iba't ibang sektor.
Umaasa sina G. Jimenez na kikilalanin ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng kanilang mungkahi at kahilingan.
1 2 3