Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

In Between Spaces: sining tungo sa mas mahigpit na pagkakaibigang Pilipno-Sino

(GMT+08:00) 2017-08-24 15:32:05       CRI

Tunay na kapansin-pansin ang mga positibong bunga ng pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Tsina noong Oktubre 2016.

Dahil dito, bumalik sa tamang landas ang relasyon ng dalawang bansa, muling sumigla ang negosyo at pagpapalitang pangkultura, at marami pang iba.

Ngunit, sa kabila ng lahat ng ito, marami pa ring mga kaibigang Tsino ang hindi nakakakilala sa tunay na kulay, sa tunay na kutura at kagawian ng mga Pilipino.

Pero, salamat kay Harry Woo, Curator ng art exhibit na "In Between Spaces," at Columbia Global Centers Beijing, mas marami na ngayong kaibigang Tsino ang makakaalam sa kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng sining.

Ayon kay Harry Woo, layon ng "In Between Spaces" na magpanday ng mas matibay na kultural na koneksyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa pamamagitan ng pagpapakita at pagpapakilala ng kontemporaryong sining ng Pilipinas sa mga kaibigang Tsino gamit ang video at potograpiya.

Aniya, sa kanyang pananatili at paglilipat-lipat ng tirahan sa mga lunsod na gaya ng Beijing, Shanghai, Hong Kong, at Manila, nakita niyang may mga puwang sa mga tsanel ng komunikasyon at pagkakaunawa sa isat-isa ng mga Pilipino't Tsino. Ito rin ang dahilan kung bakit pinangalanan niyang "In Between Spaces" ang naturang exhibit.

Aniya, nais niyang punan ang puwang na ito at maging tulay sa mas maiging pagkakaunawaan, mas mainam na komunikasyon, at mas malalim na pagkakaibigan ng mga Pilipino at Tsino.

At sa pamamagitan aniya ng In Between Spaces, maipaglalapit at mapapalalim ang kultural na pagkaunawa ng mga Tsino sa mga Pilipino.

Dala ng naturang kultural na exhibit ang mga obra ng 4 na contemporary Filipino artist, kung saan ipinakikita ang mga temang tulad ng tradisyon at modernidad; kolektibo at personal na ala-ala; at kamulatan na matutuklasan sa kalunsuran.

May posibilidad na masagot ng In Between Spaces, ang mga tanong na gaya ng 'what constitutes Philippine art?' at 'how the works' themes relate to the Chinese society?'

Ang In Between Spaces ay binuksan, Agosto 19, 2017 sa Columbia Global Center Beijing at tatagal hanggang Setyembre 1, 2017.

Dumalo sa nasabing pagbubukas si Ms. Joan T. Pichay, Cultural Officer ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing, mga kaibigang Tsino, mga Pilipino naninirahan sa Beijing, media at marami pang iba.

Ang apat na Pilipinong ito ay sina; Dex Fernandez, Paulo Vinluan, Jay Yao, at MM Yu.

Ang artist na si MM Yu ay naninirahan at nagtatrabaho sa Manila. Gumagawa siya ng mga semi-autobiographical na litrato at painting na nagpapakita ng kagandahan at kapangitan ng Manila. Ang mga subject ng kanyang mga litrato ay kadalasang makikita sa mga barangay kung saan siya at kanyang mga kaibigan nakatira. Isa sa kanyang mga kilalang obra ay pinamagatang "Thoughts Collected, Recollected" (2007). Ito'y binubuo ng imahe ng mga bagay na makikita sa urban environment, na inorganisa, at ginawang 20 handmade photobook.

Si Dexter Fernandez ay nakatira sa Caloocan. Kabilang sa kanyang mga obra ay mga painting, drawing, mixed media works at vintage photography-inspired poster mula sa thrift shop.

Ang kanyang mga obra ay nai-exhibit na sa loob at labas ng Pilipinas.

Si Paolo Vinluan ay nakatira at nagtatrabaho sa New York. Ang kanyang estilo ay sumasalamin sa pinaghalong kultural at pisikal na pagbabago na dala ng pamumuhay sa Amerika at Pilipinas.

Si Jay Yao (Jose Campos III) ay nakatira sa Manila. Ginawa ni Jay ang kanyang thesis photography exhibit hinggil sa Canadian-Asian identity sa Hampshire College. Matapos magkolehiyo, nanirahan si Jay sa New York para lalo pang linangin ang kanyang kakayahan bilang alagad ng sining at nagpokus siya s potograpiya. Ang kanyang mga obra ay nagpapakita ng ibat-ibang tanawin at internasyonal na lugar sa ilalim ng temang "Identidad sa Isang Modernong Lipunan."

Nagkaroon na rin ng mga solo exhibition si Jay sa Hiraya Gallery (Manila), Museong Pambata (Manila), Silverlens (Manila), Tixe Artspace (New York), Manifesto Gallerie (Manila), at Artinformal (Manila).

SI Harry Woo

Sina Harry Woo (kaliwa) at Joan Pichay, Cultural Officer ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing (kanan)  kasama ang mga kaibigang Tsino sa pagtingin sa mga obra.

Hagdan-hagdang palayan ng Panxian County, Guizhou

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>