|
||||||||
|
||
20170831dognwenhua.mp3
|
Si Dong Wenhua
Ang kauna-unahang kanta na ibabahagi namin sa inyo ang isa sa mga pinakapopular na kanta niya, ang "Full Moon."
Isinilang si Dong Wenhua noong 1962, sa lunsod ng Shenyang, lalawigang Liaoning ng Tsina. Mula noong bata pa siya, mahilig si Dong sa pag-awit.
Dahil sa magandang appearance at voice, noong 15 taong gulang, nagsimula siya sa kanyang stage performance. Naging maganda ang takbo ng kanyang karera sa pag-awit, at noong 20 taong gulang, siya ay naging pinakapopular na female singer sa buong Tsina.
Kahit naging top singer sa Tsina, hindi masyadong marami ang mga panayam kay Dong Wenhua. Sinabi niya minsan na hindi niya gusting magambala ang kanyang personal na buhay. Bilang isang singer, gusto niyang makipag-usap sa mga tagapanood sa pamamagitan ng kanyang kanta.
Ang ikalawang kanta na pinili namin ngayon gabi, isang kanta na nagpapakita ng pagmamahal sa inang bayan, "The Greatwall."
Ang mga kanta na nagpapakita ng pagmamahal sa inangbayan ay bumubuo sa pinakamaraming bahagi ng mga obra ni Dong Wenhua. Ang ikatlong kanta na ibabahagi namin, ay mayroong the same theme. Ito ang "The Yellow River."
Bukod sa mga kanta na papuri s bansa, mahilig din si Dong Wenhua sa mga folk songs. Ang ikaapat na kanta ay isang malumanay na klasikong folk song ng lalawigang ShanXi, "Leaving Home."
Bilang pagtatapos, ang last song na ibabahagi namin sa inyo, ay isang romantikong love song "Starry Sky."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |