Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagay-bagay na mula sa Tsina Part I

(GMT+08:00) 2017-09-07 15:18:56       CRI

Ang Tsina ay isang bansang may mahigit 3,000 taong kasaysayan. At sa loob ng mahabang panahon na ito, naimbento ng mga Tsino ang maraming bagay at kagamitang may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao. Para sa episode na ito at sa susunod na episode ng DLYST, susubukan nating tingnan at suriin ang mga bagay-bagay at imbensyon na nagmula sa sinaunang Tsina, na patuloy pa rin nating ginagamit sa kasalukuyan.

1. Parol/ Deng Long/灯笼

Ang parol o Deng Long ay ang tradisyonal na kagamitang pang-ilaw ng Tsina, na kumakatawan sa kahalagahan at kaligayahan.

Ang tradisyonal na Deng Long ay nababalutan ng manipis na papel at may nakasinding kandila sa loob. Tumatagos ang sinag ng kandila mula sa manipis na papel.

May ibat-ibang disenyo ang Deng Long.

Ang mga Deng Long ay pinipintahan ng magaganda at masusuwerteng kulay.

Sinisindihan ng mga Tsino ang ilang Deng Long bilang simbolo ng kaligayahan at suwerte tuwing Chinese New Year. Pinapanood din nila ang mga palabas ng Deng Long kasama ang pamilya tuwing Pestibal ng Parol.

Sa ngayon, ginagamit pa rin sa mga selebrasyon ang mga Deng Long.

Lumalaganap ang kahalagahan at kaligayahan sa ibat-ibang pamilya sa pamamagitan nito

2. Saranggola/ Feng Zheng/风筝

Ayon sa alamat, nagmula ang inspirasyon ng saranggola o Feng Zheng sa isang ibong gawa sa kahoy na buong araw na lumilipad.

Malamang, ang inspirasyon sa paggawa ng Feng Zheng ay nakuha ng mga Tsino sa sombrerong tinangay ng hangin.

Ayon pa rin sa alamat, tinali ng isang heneral ang mga silbatong gawa sa kawayan sa isang malaking Feng Zheng na gawa sa balat ng baka.

Gumawa ito ng nakakatakot na tunog na nagpaatras sa kalaban.

Ayon naman sa ibang bersyon ng alamat, nagsulat ng mga importanteng mensahe ang heneral at ipinadala sa kanyang mga tropa gamit ang saranggola.

Ang pang-militar na gamit ng Feng Zheng ay isa lamang kuwentong-bayan.

Sa totoo lang, ang Feng Zheng ay isa lamang laruan.

Ang klasikong Feng Zheng ay gumagamit ng kawayan, rattan, o iba pang matibay, pero pleksibleng materyal para sa gulugod nito, at papel o magaang tela, tulad ng sutla para sa layag. Ito ay pinapalipad gamit ang pisi o sinulid. Ang mga Tsino ay naglalagay ng magagandang dekorasyon sa kanilang Feng Zheng. Dahil dito, ang mga Feng Zheng ay naging gawang-sining.

Ang mga ito ay parang magagandang pintang lumilipad sa asul na langit.

3. Laro ng anino/ Pi Ying/皮影

Noong unang panahon, lubhang nangungulila ang isang hari sa kanyang namatay na asawa, kaya nagkasakit siya.

Sa pamamagitan ng tela, gumawa ng kopya ng namatay na asawa ang mga ministro at inilagay sa likod ng tabing at ito'y nakita ng hari.

Ito ang pinagmulan ng Pi Ying.

Inihahandog ng Pi Ying ang mga interesanteng kuwentong may buhay na himig at aninong kaloob ng ilaw.

Ito ang pinaka-unang paraan ng animasyon sa mundo.

Ang mga imahe ay parating gawa sa tinahing balat ng asno.

Ang galaw ng katawan at ekspresyon sa mukha ng mga papet ay mula sa mga istik ng kawayan.

Ang Pi Ying ay nagkukuwento sa tradisyonal na paraan at popular sa buong mundo.

Hindi lamang interesanteng kuwento ang hatid nito, kundi kuwentong bayan ng Tsina.

4. Batik/ La Ran/蜡染

Ang Batik o La Ran ay paraan ng tradisyunal na pagkukulay ng tela na may mahigit 2,000 taong kasysayan.

Malawakang ginagamit bilang pangkulay ang wax ng bubuyog at indigo.

Ginagamit ang kutsilyo sa pagguhit ng disenyo sa tela.

Ang isang piraso ng La Ran ay makukumpleto matapos itong pahiran ng wax, pintahan, kulayan, at hugasan.

Ang pinakaimportanteng bahagi ay ang pagkakaroon ibat-ibang salat sa siwang ng tela matapos itong matuyo.

Ang ibat-ibang salat ay mula sa isang disenyo.

Ang mga Ibon, insekto, at heometrikal na padron sa tela ay mukhang misteryoso at di-sopistikado.

5. Brokado/ Yun Jin/云锦

Ang brokado o Yun Jin ay isang uri ng maluhong sutla na ginawa, mahigit 1,600 taon na ang nakakaraan.

Ang mga napakarilag na disenyo ay sing-ganda ng makukulay na ulap sa langit; kaya tinawag ito ng mga Tsino na Yun Jin.

Mula noong Dinastiyang Yuan, ginamit ang Yun Jin bilang damit ng imperyal na pamilya, lalung-lalo na ng emperador.

Sinisimbolo ng ibat-ibang laki at disenyo ang ibat-ibang opisyal na ranggo.

Hinahabian ito ng pambihirang sutla at balahibo.

Ang tradisyunal na Yun Jin ay gawang-kamay sa tulong ng Jacquard na Panghabi.

Sa karamihan, sa pamamagitan ng 2 manggagawa, 5 hanggang 6 na sentimetrong brokada ang nagagawa kada araw.

Ngayon, ang tradisyunal na kakayahang ito ay minodernisa at ginagamit sa mga bagong moda.

6. Cheongsam/ Qi Pao/旗袍

Ayon sa tradisyong Tsino, kung gusto ninyong malaman kung totoong maganda ang isang babae, tingnan ninyo siya habang suot ang cheongsam o Qi Pao.

Ipinakikita ng Qi Pao ang pagkamababang-loob ng silangan at pagiging seksi, habang binabalot ang katawan ng mga babae sa yapos-pigurang kauotan.

Ang magagandang Qi Pao ay gawang-kamay na may malambot na sutla at komplikadong brokado.

Ang pagpili ng magandang materyal ay ang unang hakbang sa paggawa ng Qi Pao.

Dalawampu't anim na dimension ang kailangang sukatin sa paggawa ng Qi Pao, at kumakatawan sa panlasa ng master.

Ang kuwelyo ng Qi Pao ay laging nakakurba para ipakita ang lambot at pagkapayat ng leeg ng babae.

Kabilang sa mga popular na paderno ng Qi Pao ay phoenix, ibon, dahon at bulaklak.

Ang makalaglag-hiningang kagandahan ng Qi Pao ay tumagal na ng mahigit isang daang taon.

7. Kasuotang Tang/ Tang Zhuang/唐装

Ang Kasuotang Tang o Tang Zhuang ay hindi kasuotan ng Dinastiyang Tang, kundi isang kasuotan na may estilong Tsino.

Ang mga Tang Zhuang ay tinatahi ayon sa espisipikong paraan. Ang brokado ang unang pagpili sa materyal ng Tang Zhuang. Tipikal na estilo rin ang nakatayong kuwelyo at simetrikal na sulapa.

Ang magagandang burda ay isa pang tampok ng Tang Zhuang.

Kahit ang maliliit na butones ay may magagandang detalye.

Ang mga kakaibang butones na ito ang panghuling bahagi ng Tang Zhuang.

Sa ngayon, isinusuot ng mga Tsino ang Tang Zhuang tuwing Kapistahan ng Tagsibol o kasalan. Kinikilala ang Tang Zhuang bilang espesyal na kasuotan sa mga importanteng seremonya.

Dahil sa ilang elemento mula sa Kanluraning disenyo, ang Tang Zhuang sa ngayon ay mas moda at maganda.

8. Pamaypay/ Shan Zi/扇子

Ang mga pamaypay o Shan Zi ay hindi lang kagamitan, ang mga ito rin ay gawang sining at simbolo ng katayuan sa Tsina.

Ang Shan Zi, sa kamay ng iskolar ay kumakatawan sa karunungan at pagka-elegante.

Maraming uri ng Shan Zi sa Tsina. Ang pinaka-tipikal ay ang mga natutuping Shan Zi.

Ginagamit sa Shan Zi ang paraan ng pag-ukit, paghabi, kaligrapiya at pagpinta.

Ang Shan Zi ay hindi lang kagamitan sa pagpapa-presko, ito rin ay gawang sining. Pinahahalagahan ng mga Tsino ang koleksyon ng mga Shan Zi.

9. Abakus/ Suan Pan/算盘

Ayon sa alamat ng Tsina, naimbento ang abakus o Suan Pan ng mga mangangasong kumukolekta ng mga hayop na kanilang napatay. Tinuhog nila ang mga bead na gawa sa kahoy sa mga istik na gawa rin sa kahoy para sa pagbibilang. Ito ang unang Suan Pan.

Naimbento, mahigit 2,000 na ang nakakaraan, ang Suan Pan ang pinakamatandang calculator na ginagamit pa rin ngayon.

Ang mga Tsino ay natututong gumamit ng Suan Pan sa murang edad.

Ang estruktura ng Suan Pan ay simple. Ito'y binubuo ng mga bead na kumakatawan sa mga numero at istik na kahoy na kumakatawan sa mga desimal.

Maari itong gamitin sa mga komplikadong pagkalkula, gamit ang mga simpleng pormula at panuntunan. Ang Suan Pan ay ang buhay na fossil ng matematikong pagtuklas ng Tsina.

10. Panda/ Xiong Mao/熊猫

Ang panda o Xiong Mao, ay pambansang yaman ng Tsina. Ito ay isang solitaryong hayop, at kawayan ang paborito nitong pagkain.

Mahigit 8 milyong taon na itong namumuhay sa daigdig.

Noong una, karne ang pagkain nito. Di-naglaon, nang maubusan ng pagkain dahil sa pagbabago ng klima, nabuhay ang mga ito sa pagkain ng kawayan.

Ngayon, isa sa mga nanganganib na uri ng hayop ang Xiong Mao.

Itinuturing ang mga panda bilang simbolo ng kapayapaan.

Isanlibo pitong daan (1,700) taon na ang nakakaraan, kapag narating ang pagkakasundo ng mga nagtutunggaling sandatahan o kaharian, makikitang itataas o iwawagayway ang bandilang may Xiong Mao.

Ang mga bandilang ito ay kumakatawan sa kapayapaan at pagkakaibigan.

Ngayon, ang mga panda ay kilala saanmang dako ng daigdig. Madalas silang pinapadala sa ibang bansa bilang regalo.

Sila rin ang napili bilang maskot ng World Wildlife Foundation.

Mayroon na lamang humigit-kumulang 1,000 Xiong Mao sa buong mundo.

Sana'y sila'y pangalagaan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>