|
||||||||
|
||
20170921KaalamangTsinoI.mp3
|
Ang Tsina ay isang bansang may mahigit 3,000 taong kasaysayan. At sa loob ng mahabang panahon, lumitaw mula rito ang mga pambihirang personahe na tulad nina Confucius, Lao Zi, Sun Zi at iba pa, na gumawa ng mga di-maikakailang kontribusyon sa pag-unlad ng sangkatauhan. Bukod diyan, nagmula rin sa Tsina ang maraming bagay at kagamitang may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao, magpahanggang ngayon. Para sa episode na ito at sa susunod na episode ng DLYST, susubukan nating kilalanin ang ibat-ibang personalidad na humubog sa kamalayan ng mga Tsino, at gumawa ang mga kontribusyon sa pag-unlad ng sangkatauhan.
1. Tsina
Sa loob ng libu-libong taon, patuloy na dumadaloy, mula silangan tungong kanluran ang Dilaw na Ilog.
Ang seda ay ginawang kasuotan, samantalang ang luwad ay ginamit sa paggawa ng palayok, paso at seramiko. Milyun-milyong bato ang tinalaksan upang maging Great Wall (Dakilang Pader). Maraming kahanga-hangang bagay ang ginawa ng bansa, tulad ng Great Wall (Dakilang Pader), Groto ng Mogao sa Dunhuang, Mandirigmang Terakota, at Kungfu.
Ang Beijing ang kabisera ng Tsina, na bukas at yumayakap sa mundo.
Ang Olimpiyada ng Beijing noong 2008 at Pandaigdigang Expo ng Shanghai noong 2010 ay ginanap dito.
Itinatanghal sa parehong entablado ang Peking Opera at kanluraning opera.
Makikita sa sinaunang bansang ito ang bitalidad at buhay ng maningning na kultura ng mundo. Ito ang Tsina.
Ang lahat ng Tsino: may itim na mata at dilaw na kompleksyon, ay bukas-palad kayong tinatanggap.
2. Kumusta?
Ito ang pinakamadalas gamiting pambati sa Tsina.
Dalawang libo't limang daan tan na ang nakalipas, itinuro ni Confucius sa mga mamamayan na ang lahat ay dapat sumunod sa tamang asal.
Kaya, tinawag ang Tsina na tahanan ng mabuting asal.
Ang "Ni Hao" ay ang pinaka-tipikal na salitang pambati sa Tsina, na nagpapahayag ng mabuting hangarin.
Ang bating ito ay nagpapahayag ng magandang hangarin sa iyong kalusugan, trabaho, at pamilya.
3. Kong Zi/ Kompyusiyus
Ipinanganak noong 551 B.C., si Kompyusiyus o Kong Zi ang may pinakamalaking kontribusyon sa pag-unlad ng kultung Tsino sa kasaysayan. Kahit nagmula siya sa isang mahirap na pamilya, nag-aral siya sa ilalim ng maraming tanyag na iskolar, at marami siyang natutunan sa mga ito. Ang kanyang mga ideya ay idinebelop niya bilang isang sistema ng pilosopiya na kilala ngayon bilang Kompyusiyanismo. Itinuturo ng Kompyusiyanismo ang pagpapaunlad ng sarili, maharmonyang relasyon sa ibang tao, at respeto sa mga nakakatanda. Kailangang maging tapat sa isat-isa ang magkakaibigan. Kailangang magpunyagi ang mga namumuno upang gawing maligaya ang buhay ng mga mamamayan. Siya rin ay isang dakilang guro at isinulong ang edukasyon para sa mga ordinaryong mamamayan. Bagamat bigo, naglakbay siya sa maraming lugar para ipalaganap ang kanyang politikal na kaisipan. Pero, hindi siya nasiraan ng loob. Si Kong Zi ay isang dakilang ispirituwal na pinuno ng Nasyong Tsino. Nitong 2,000 taong nakaraan, patuloy na naiimpluwensiyahan ng kanyang pilosopiya ang Tsina at mundo. Masasabing ito rin ay simbolo ng kulturang silanganin.
4. Sun Zi/ Sun Tzu
Si Sun Tzu, o Sun Zi na nabuhay sa Tsina noong Panahon ng Tagsibol at Taglagas ay masasabing "Pinakamagaling na Dalubhasa ng Digmaan." Ang kanyang obra maestrang pang-militar, na "Sining ng Digmaan" ay patuloy pa ring pinag-aaralan nitong nakalipas na 2,000 taon. Naniniwala si Sun Tzu, na ang kompetisyon sa pagitan ng mga ekonomiya at lohistika ay katangian ng digmaan. Kapag ang bansa ay masagana at ang mga mamamayan ay malakas, saka lamang ito mananalo sa digmaan. Kung hindi, ang digmaan ay magdadala ng malaking kapinsalaan sa bansa at sa mga mamamayan nito. Ang pangangalap ng impormasyon tungkol sa iyong kalaban ay ang susi sa tagumpay sa mga digmaan. Kilala ng matagumpay na heneral ang kanyang mga kalaban, tulad ng kanyang sarili: kailangan niyang utusan ang kanyang mga sundalo ayon sa pinakabagong situwasyon. Ang kataas-taasang sining sa digmaan ay pagtalo sa kalaban nang walang karahasan. Ipinapaala-ala sa atin ng kanyang espiritu, na kapayapaan ang komong layunin na dapat nating pagpunyagian.
5. Lao Zi/ Lao Tzu
Si Kong Zi o Kompyusiyus, ang makasaysayang santong Tsino ay kinikilala bilang pinakadakilang guro ng Tsina. Si Lao Tzu o Lao Zi ay ang kanyang guro. Ayon kay Kong Zi, si Lao Zi ay isang dragong nagtatago sa mga ulap. Buong buhay niya, nag-aral siya sa ilalim ni Lao Zi, pero, hindi niya maintindihan ang lahat ng dakilang karunungan nito. Makalipas ang 2,500 taon, isinalin sa ibat-ibang wika ang mga obra ni Lao Zi. Naniniwala si Lao Zi, na kailangang matuto ang mga tao mula sa kalikasan at magkaroon ng maharmonyang relasyon ditto. Sa tabi ng ilog, sinabi ni Lao Zi kay Kong Zi na ang asal ng isang santo ay parang umaagos na tubig. Ang tubig ay nagbibigay-buhay sa iba, pero hindi ito nanliligalig ng iba. Ang santo ay hindi nagkakamali at walang sinuman ang nagagalit sa kanya. Kaya, makagagawa siya ng mga dakilang Gawain. Sa Tsina, si Lao Zi ay kinikilala bilang pinakamahusay sa lahat ng mga guro.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |