Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Nihao Zhongguo: Mga pambihirang kaalaman tungkol sa Tsina (Part III)

(GMT+08:00) 2017-10-09 20:29:50       CRI

Para sa episode na ito ng DLYST, susubukan nating kilalanin ang ibat-ibang simbolo ng Tsina at ang iba pang nanggaling sa bansang ito, na kinagigiliwan pa rin ng nakararami sa atin.

1. Long/Dragon

Naiiba ang mga dragong Tsino o Long, na walang pakpak sa mga dragong kanluranin. Ang mga ito ay masuwerteng hayop na nagdadala ng masaganang taon sa mga tao. Ang mga dragon o Long ay simbolo ng kapangyarihan at maharlikang dignidad sa Tsina. Maraming imahe ng Long ang makikita sa Forbidden City at Summer Palace. Ang mga ito'y hinahangaan ng mga tao at kumakatawan sa espiritong Tsino. May dalawang pestibal sa Tsina na may kaugnayan sa Long. Sa Pestibal ng Parol, tuwing ikalabinlima ng Enero ayon sa kalendaryong Tsino, iniwawagayway ng mga Tsino ang mga parol na hugis dragon para ipagdiwang ang pagdating ng tagsibol. Sa Pestibal ng Bangkang Dragon, na ipinagdiriwang sa ikalimang araw ng ikalimang lunar na buwan, idinaraos sa Tsina ang kompetisyon ng mga bangkang hugisdragon. Ang Long ay isang makapangyarihang totem sa kulturang Tsino.

2. Feng Huang/Phoenix

Ayon sa alamat, may isang malaki at magandang ibong may makukulay na balahibo at kaaya-ayang tinig, na eleganteng magsayaw. Ito'y itinuturing na reyna ng mga ibon. Dala nito ang mapayapa at masuwerteng atmospera kapag ito'y nagpakita. Ito ang phoenix o Feng Huang. Ayon sa mga talaan ng sinaunang Tsina, idinaraos ang selebrasyon matapos mapagtagumpayan ang baha. Habang idinaraos ang seremonya, sumasayaw sa saliw ng musika ang Feng Huang. Kaya naman, itinuturing itong masuwerteng ibon. Sa Tsina, kadalasang magkasamang pinag-uusapan ang dragon o Long at phoenix o Feng Huang. Sinisimbolo ng dragon o Long ang pagkalalaki, at ang phoenix o Feng Huang naman ay kumakatawan sa pagiging elegante, harmonya, at suwerte. Ang mga alamat hinggil sa Feng Huang ay ipinapasa mula sa isang henerasyon tungo sa susunod na henerasyon.

3. Gong Fu/Kung Fu

Ang Kung Fu o Gong Fu ay simbilis ng hangin, sintibay ng bundok at makapangyarihan tulad ng apoy. Ito'y nagmula sa mahabang pagsasanay at paggaya sa galaw ng mga hayop. Gamit sa Gong Fu ang mga kutsilyo, espada, sibat, baston, pana at kamao. Ang Gong Fu ay hindi lang kapaki-pakinabang, kundi, malambot at magaan din (maganda at mahinhin din ang galaw. Kaya naman, ang Gong Fu ay itinuturing na silanganing sining ng pakikidigma. Hindi ito misteryoso. Ang lahat ay maaaring mag-aral nito. Ang Gong Fu ay mainam sa kalusugan at pagsasanggalang sa sarili. Sa ngayon, ang Gong Fu ay malawakang pinag-aaralan sa buong mundo.

4. Tai Ji Quan/Taichi Chuan

Kabilang sa pilosopiyang Yin at Yang ng Taichi Chuan o Tai Ji Quan ay ang mga prinsipyo ng istatiko at dinamiko; at mabilis at mabagal na paggalaw. Naniniwala ang mga Tsino na ang dinamiko ay napapaloob sa istatiko, at ang mabilis ay napapaloob sa mabagal. Ang Taichi o Tai Ji ay kombinasyon ng mga enerhiyang ito. Sa prinsipyo ng pakikipaglaban ng Tai Ji Quan, dapat i-maneobra ang panloob na lakas o Qi upang magkaroon ng bilis at lakas. Ang pagpaparamdam sa prinsipyong istatiko at dinamikong nasa kalikasan at buhay, at pagpapasunod ng puso't isipan sa harmonya ng kalikasan ang pinaka-importanteng pungsyon ng Taichi Chuan o Tai Ji Quan.

5. Jian/Espada

Kung gusto ninyong pumili ng sandatang angkop sa isang maginoo, ang espada o Jian ang pinakamainam na pagpili. Noong sinaunang panahon ang Jian ay simbolo ng katayuan sa lipunan. Ang mga maharlika ay hindi lamang nag-aaral tungkol sa kaalaman sa kultura, kundi rin sa sining at disiplina ng paggamit ng espada. Komplikado ang paraan ng pagpapanday ng isang mainam na Jian. Gusto ng mga Tsinong ikumpara ang kanilang mga Jian sa mga misteryosong bagay na tulad ng dragon, kulog at kidlat. Gamit ang Jian, gusto ng mga Tsinong protektahan ang katarungan, kabutihan ng loob, pagkakapantay-pantay at iba pang pangarap ng magandang kinabukasan. Kinakatawan ng Jian ang perpektong kombinasyon ng lakas at kabaitan. Nababalanse ng mga Tsino ang kanilang espiritu't katawan sa pamamagitan ng pag-aaral ng paggamit ng espada. Ang Jian ay sandata, pero ang pag-aaral ng paggamit ng espada ay isang sining.

6. Zhong Yi/Tradisyonal na gamot-Tsino

Ang tradisyonal na gamot-Tsino, TCM o Zhong Yi ay terapiya at teorya sa pagpapanatili ng mabuting pangangatawan. Ang diyagnosis sa Zhong Yi ay nagmumula sa maraming paraan ng obserbasyon, tulad ng paggamit ng paningin, pang-amoy, pandama, at pagtatanong. Upang makagawa ng diyagnosis, inoobserbahan ng doktor ang dila, at boses ng pasyente. Tinatanong din ng doktor ang maysakit hinggil sa kanyang mga kagawian, kasaysayang medikal at pinakikiramdaman ang pulso. Ang terapiya sa Zhong Yi ay nagbibigay-diin sa istimulasyon ng pandama. Ang mga doktor ay nagbibigay rin ng masahe. Ang mga kagamitan para sa Gua Sha at Ba Guan ay madaling matagpuan sa pang-araw-araw na buhay. Ang mga herbal na medisina ay pinipili mula sa mga halaman at pinoproseso (tinitimpla) para gamutin ang ibat-ibang sakit. Ang Zhong Yi ay nakabase sa paniniwalang ang katawan ng tao ay mayroong sariling sistema ng pag-andar. Ayon dito, mananatiling malusog ang katawan ng tao, kung balanse ang sistemang pangangatawan.

7. Zhen Jiu/Acupuncture

Ang acupuncture na tinatawag na "Zhen Jiu" sa wikang Tsino ay isang medikal na panggagamot na nagmula sa Tsina. Ang Zhen ay nangangahulugang "mga karayom na tinutusok sa katawan." Ang Jiu naman ay ang pagsunog sa espesyal na dahon at paglalagay sa itaas ng takdang bahagi ng katawan. Inilalarawan ng Zhong Yi ang daloy ng enerhiya sa katawan ng tao bilang network. Jing Luo ang tawag ditto. Ang mga pangunahing node sa network ay tinatawag na acupuncture point o Xue Wei. Naniniwala ang mga doktor ng Zhong Yi na ang pagpapasigla sa Xue Wei, sa pamamagitan ng Zhen Jiu (pagpapa-Zhen Jiu/ paglalagay ng Zhen Jiu sa Xue Wei) ay magdadala ng enerhiya sa sirkulasyon ng katawan at pupuksa sa sakit. Halimbawa, ang paglalagay ng Zhen Jiu sa Xue Wei na Tsu-San-Li ay magpapataas ng pantunaw, at ang paglalagay ng Zhen Jiu sa Xue Wei na Nei Kuan ay mabuti para sa puso. Sa loob ng libu-libong taon, ginagamit ng mga Tsino ang ganitong uri ng panggagamot. Ipinakikita ng maliliit na karayom ang misteryo ng katawan ng tao

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>