Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Virtual Reality, gamit ng Tsina sa paggamot sa mga drug adik

(GMT+08:00) 2017-10-25 16:02:32       CRI

Inanunsyo kamakailan ng Shanghai Drug Rehabilitation Administration (SDRA) ang paggamit ng virtual reality upang gamutin ang mga nalulong sa droga.

Taliwas sa orihinal na layunin nitong magbigay aliw sa pamamagitan ng laro, ang virtual reality na gamit ngayon ng SDRA ay ginagamit, pangunahin na sa pagmo-monitor ng tibok ng puso at eye movement. Kasama ang skin conductivity at iba pang biological indicators, tinutulungan ng nasabing programa ang mga doktor upang malaman ang lebel ng adiksyon sa droga ng isang tao.

Ito ay makakatulong sa mga medical staff upang maintindihan ang mga kondisyong pisyologikal ng mga pasyente at i-adjust ang mga plano para sa rehabilitasyon.

Ang naturang programa ay idinebelop Shanghai Mental Health Center (SMHC), kasama ang School of Physiology and Cognitive Science ng East China Normal University.

Samantala, idinebelop naman ng Shanghai Qingtech ang eye-tracking technology, sa tulong ng SMHC.

Sa ngayon 700 pasyente, mula sa 2 rehabilitation center sa Shanghai ang ginagamot sa pamamagitan ng nasabing programa.

Ito'y nagsimula noong Setyembre 2017, at may planong magtayo pa ng 3 pang rehabilitation center sa nasabing lunsod.

Ayon sa estadistika ng China National Narcotics Control Commission (CNNCC), mahigit 85% ng mga pasyenteng sumailalim sa kumbensyonal na rehabilitasyon ay bumabalik sa paggamit ng droga sa loob ng 2 taon.

Samantala, pinipigilan ng bagong virtual reality program ang pagbabalik ng mga dating adik sa dating gawi, sa pamamagitan ng pagbibigay ng episyenteng desensitization treatment.

Sa programang ito, pinanonood ng mga pasyente ang mga virtual na scenario na nakakapagpabalik ng paghahangad sa droga. Noong una, ang pinanonood ng mga pasyente ay mga larawan lamang, ngunit, sinabi ni Deputy Director Zhao Min na hindi ito sapat. Kaya, inilunsad ang bagong programang gumagamit ng virtual reality.

Sa pamamagitan ng virtual reality, mas napapalabas agad ang muling pagnanasa sa droga ng mga pasyente, kaya madali agad itong nasosolusyonan.

Source: ChinaWire

Self-driving bus, ilulunsad sa susunod na taon

Ilulunsad sa susunod na taon sa Tsina ang self-driving bus o bus na iminamaneho ang sarili sa susunod na taon, ito ang ipinahayag ni Robin Li, CEO ng Baidu, search engine giant ng Tsina, sa kanyang panayam sa D.Live Conference ng Wall Street Journal.

Ani Li, ang bus ay tatakbo sa designated route at ito ay isinasaayos na ng Baidu sa tulong ng isang pang kompanyang Tsino.

Ayon pa kay Li, seryoso ang Baidu sa paglalagak ng pondo sa mga autonomous na sasakyan.

Inanunsiyo ng kompanya kamakailan na pinaplano nitong i-mass produce sa 2019 ang L3 Autonomous Vehicle, kung saan, kondisyonal ang human intervention.

Samantala, balak din ng kompanyang i-mass produce ang sasakyang L4 (fully-automated) sa taong 2021.

Para maisakatuparan ito, nakipag-partner ang Baidu sa Chinese Auto-maker na BAIC Motor Corp.

Ang naturang mga kotse ay paaandarin ng "Apollo," isang open source autonomous vehicle software na idinebelop ng kompanya kasama ang NVIDIA.

Ani Li, "we only touched the software part. We dont manufacture the cars, [but], we provide the technology.

Kompiyansa rin si Li na kayang makipagkompetensiya ng Apollo sa Waymo.

"History proves that an open system has better momentum," dagdag ni Li.

Naniniwala si Li na ang mga self-driving na kotse ng hinaharap ay dapat may mga built-in screens at entertainment.

"When a passenger gets in a car, our vision is you never need to touch your phone anymore," aniya.

Bukod diyan, abala rin ang Baidu sa pag-i-invest sa artificial intelligence (AI), na nakakatulong, hindi lamang sa mga self-driving na kotse, kundi sa search engine din.

Ayon kay Li, $1.5 bilyon ang inilagak na salapi ng Baidu sa reseach and development, at karamihan ng halagang ito ay napunta sa AI.

Source: ChinaWire

Magpapayat para sa college grade

Upang malabanan ang obesity sa loob ng school campus, isang unibersidad sa gawing silangang Tsina ang nag-o-offer college credits kapalit ng pagpapapayat.

Limampung (50) estudyante ang nag-enroll sa isang taong kurso sa Nanjing Agriculture University (NAU), lalawigang Jiangsu, ang mga ito ay hinihimok na magpapayatsa pamamagitan ng regular na ehersisyo.

Animnapung (60) porsiyento ng pangkalahatang grado sa eskuwela ng kada estudyanteng naka-enrol sa programa ay nakasalalay sa kung gaano karami ang nawalang timbang sa katawan niya. Samantala, kung ang isang estudyante naman ay makakapagbawas ng 7% ng kanyang orihinal na timbang, siguradong mataas ang kanyang makukuhang pangkalahatang grado sa eskuwela.

Ayon kay Lecturer Zhou Quanfa, karamihan sa mga matataba ay hindi nag-e-ehersisyo dahil sa tingin nila, wala itong saysay.

"So, to motivate them, we have designed the course to have their weightloss directly linked to the school marks," ani Zhou.

Ang naturang weightloss program ay bukas sa mga estudyanteng may mahigit 30% body fat o may body mass index na mahigit 28.

Para makapagbawas ng timbang, kailangan tumakbo sa treadmill ang mga estudyante, kailangan din nilang irekord ang pang-araw-araw na intake ng pagkain, at i-upload ang mga litrato ng kanilang pagkain sa kanilang We Chat group, upang makapagbigay ng feedback ang kanilang nutritionist.

Isa sa mga estudyanteng naka-enrol sa nasabing programa ay nagkaroon ng pagbaba sa timbang mula 110kg sa 84.5kg.

Ani Zhou, ang ideya sa likod ng programa ay nagsimula 5 taon na ang nakalipas, nang malaman niya na 12.95% ng kanilang mga estudyante ay overweight.

Sa kabilang dako, ayon sa School of Public Health ng Peking University, 28% ng mga bata sa Tsina na edad 7 hanggang 18 taong gulang, o halos 50 milyong mga bata ay makakalasipika bilang obese o overweight sa taong 2030.

Source: ChinaWire

Robot, gagamitin sa food delivery

Isiniwalat kamakailan ng Chinese food delivery platform, na Ele.me na gagamit sila ng mga robot para magdeliver ng pagkain sa lalong madaling panahon. Anila, ito ay para masolusyonan ang mga problema sa pagdedeliver sa mga kabahayan at opisina.

Sa ilalim ng sistemang ito, magiging intermediary ang mga food delivery robot. Sila ang magdedeliver ng mga pagkain sa mga office building.

Sa wikang Tsino, ang salitang e le me ay nangangahulugang "gutom kana ba?"

Sa ngayon, nasa trial period na ang nasabing robot system, at ayon sa nasabing kompanya, ang robot ay may sariling proprietory system. Bawat robot ay kayang magdala ng 3 meal at may maximum operation time na 8 oras kada charge.

Ayon sa Ele.me, ang naturang inisyatiba ay bahagi ng kanilang "future logistics plan" na naglalayong palitan ang mga taong tagapagdala ng pagkain sa loob ng 5 taon.

Samanatala, mayroon ding lumilipad na food delivery service ang Ele.me, at ito ay ang mga flying drones. Ang kanilang E7 Delivery Drone ay kayang magdala ng hanggang 6 na kilong pagkain sa distansyang 20 kilometro. Kabilang sa mga investor ng kompanya ay AlibabaGroup Holding at ang affiliate nito na Ant Financial.

Source: JobTubeDaily

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>