|
||||||||
|
||
rhio
|
Doon ay nakapanayam po natin si Genesis Raenani G. Renos, Tourism Officer ng Department of Tourism – (DoT) Beijing Office.
Sa ating one-on-one interview, sinabi niyang "magsisimula na sa Nobyembre 26, 2017 ang bagong direktang rutang panghimpapawid mula sa Beijing patungong Cebu."
Sinabi pa niyang ito ay isang chartered flight, sa pamamagitan ng Philippine Airlines (PAL), at mayroong isang lipad kada linggo.
Magandang balita po ito mga kababayan, at inaasahang makapagdudulot din ito ng mas komportable at maayos na serbisyo para sa mga turistang Tsino, dahil iyong mga gustong direktang pumunta sa mga beach at iba pang tourist attractions ng Cebu – Bohol at iba pang kalapit na lugar ay hindi na kailangan pang dumaan ng Manila.
"Ito rin ay inaasahang makakapagpataas ng bolyum ng mga turistang Tsino na magtutungo sa Pilipinas," dagdag ni Renos.
Doon sa mga kababayan natin at mga kaibigang Tsino na gustong mag-avail ng serbisyong ito, makipag-ugnayan lamang sa mga travel agency sa Tsina at sila na ang bahalang mag-book ng flight at hotel.
Sinabi naman kay Ginoong Zhao Xin ng Beijing Haozhou Aviation Service, idudulot ng bagong rutang panghimpapawid ang pag-unlad sa ugnayang panturismo ng Tsina at Pilipinas at magpapalakas ng people-to-people exchanges sa pagitan ng mga Tsino't Pilipino.
Matatandaang sinabi kamakailan ng DoT-Beijing Office, na ang target nito para sa 2017 ay isang milyong turistang Tsino.
Hinggil dito, sinabi ni Renos na ayon sa pinakahuling datos ng DoT noong Agosto ng taong ito, mayroon nang 641,412 na turistang Tsino ang nagpunta sa Pilipinas.
Ito aniya ay mas malaki ng mahigit 32% kumpara sa parehong bilang noong nakaraang taon.
Sinabi pa niyang sa tulong ng pamahalaang Tsino at mga partner na travel agency sa Tsina, optimistiko ang DoT na maaabot ang target para sa 2017.
Ang nasabing rutang panghimpapawid ay magakaksamang itinaguyod ng DoT – Beijing Office, Beijing Haozhou Aviation Service, at Philippine Airlines.
Zhu Li, Sales Representative ng Philippine Airlines sa Beijing
Mga dumalo habang nakikinig sa talumpati
Genesis Raenani G. Renos, Tourism Officer ng Department of Tourism – (DoT) Beijing Office
Isa sa mga aktibidad sa launching event
Zhao Xin, General Manager ng Beijing Haozhou Aviztion Service
Mga dumalo
Elizabeth Te, Minister and Consul ng Philippine Embassy sa Beijing
Launching ng Beijing-Cebu, Beijing-Boracay Route
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |