Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tourism Promotion Fair ng Probinsyang Shanxi

(GMT+08:00) 2017-11-09 19:16:52       CRI

Sa ilalim ng temang "Shanxi, Land of Splendor," idinaos kamakailan sa China World Summit Wing ng Beijing ang isang tourism fair upang ipakilala sa mga kaibigang dayuhan o expatriate sa Tsina ang Probinsyang Shanxi.

Partikular na layon ng nasabing pagtitipon ay ipakita at ipadama sa mga kaibigang dayuhan ang saganang yamang panturista ng nasabing probinsya. Ito ay bahagi ng programa ng 2017 Shanxi Tourism Development Conference.

Kasama ang inyong lingkod, mahigit 200 dayuhang bisita ang dumalo sa pagtitipon, kabilang na ang mga tourism officials at diplomata mula sa ibat-ibang bansa, dayuhang mangangalakal, representante ng ibat-ibang internasyonal na paaralan at internasyonal na organisasyon, at media.

Para maipakita sa mga panauhin ang ibat-ibang kagawian sa Probinsyang Shanxi, nagkaroon po ng mga Shanxi folk performance, na gaya ng acrobatics, Tai Chi at pagtatambol.

Para naman maipalasap sa mga guest ang pagkain at espesyalti ng probinsya, ipinamalas ng mga expert chef ang kanilang talento sa paggawa at pagluluto ng handmade knife cut noodles.

Maraming dayuhan, gaya ng inyong lingkod ang kauna-unahang tumikim ng ganitong klaseng noodles, at talaga namang napakasarap.

Sa eksklusibong panayam sa Serbisyo Filipino, pinakilala ni Ginoong Wang Lin, Deputy Director ng Shanxi Provincial Tourism Development Committee, ang mga kabigha-bighaning lugar sa kanyang probinsya.

Inanyayahan din niya ang lahat ng mga dumalo sa pagtitipon , na bisitahin ang Shanxi.

Ang pangalan ng Probinsyang Shanxi mga kaibigan ay nagmula sa lokasyon nito, na matatagpuan sa kanluran ng Bundok Taihang. Sa Wikang Tsino po kasi, ang "shan" ay nangangahulugang "bundok," at ang "xi" naman ay "kanluran." Kaya ang literal na kahulugan ng "Shanxi" ay kanlurang bundok, o para sa Probinsyang Shanxi, ito'y lugar na matatagpuan sa kanluran ng Bundok Taihang.

Ang kabisera ng Shanxi ay Taiyuan, at malapit ito sa mga Probinsyang Hebei, Henan, Shaanxi at Inner Mongolia.

Ito rin ay nasa silangan ng pamosong Yellow River, na siyang pinaniniwalaang pinag-ugatan ng Sibilisasyong Tsino.

Noong panahon ng Spring and Autumn Period (720 BC hanggang 480 BC), ang Shanxi ay nabibilang sa Estado ng Jin. Ito rin ang panahon kung kalian nabuhay ang dakilang gurong Tsino na si Confucius o Kong Zi.

Sa kulturang Tsino, ang "spring" o tagsibol ay kumakatawan sa panahon ng panibagong pag-usbong. Sa madaling salita, ito ay panahon ng mabilis na pag-usbong ng mga bagong ideya.

Samantala, ang "autumn" naman, o taglagas ay kumakatawan sa panahon ng pagbabago patungo sa taglamig.

Ayon sa kaisipang ito, ang "Spring and Autumn Period" ay tumutukoy sa panahon sa kasaysayang Tsino, kung kalian ang maliliit na kahariang Tsino ang nag-eksperimento sa mga bagong kaisipan tungkol sa pamahalaan at pamamahala, para mapalitan o matalo ang iba pang mga kaharian, at ma-unipika ang buong Tsina.

Zhang Lide

Mga Pagtatanghal  1

Mga Pagtatanghal  2

Mga Pagtatanghal  3

Mga Pagtatanghal  4

Mga dayuhang dumalo 1

Mga dayuhang dumalo 2

Ginoong Wang Lin

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>