Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Wikang Filipino, itinuturo sa mga unibersidad ng Tsina (Part I)

(GMT+08:00) 2017-11-16 19:30:16       CRI

Dito po sa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina, maraming kasamahang Tsino na marunong magsalita ng Wikang Filipino. Pero, hindi po sila mga Filipino-Chinese o mga Tsinoy, sila ay ipinanganak, lumaki at nag-aral sa mainland ng Tsina.

Kung mapapansin po ninyo ang iba naming programa, tulad ng Pag-aaral ng Wikang Tsino, MaArte Ako, Sa Pali-paligid ng Tsina at iba pa, may mga kasamahan po akong Tsino na nagsasalita ng Filipino, na gaya ni Jade o Xian Jie.

Hindi lang po siya ang marunong mag-Filipino, nariyan din si Wang Tao, Frank o Liu Kai, Lito o Li Feng, Ernest o Wang Huayu, at marami pang iba.

Ang tanong, paano sila natutong magsalita ng Filipino? Ang sagot, nagtapos kasi sila sa kursong Philippine Studies sa Peking University o Beida.

Noong 1985, binuksan ang kursong Filipino Studies sa naturang unibersidad, at magmula noon, marami nang nagtapos sa kursong ito.

Hindi lang iyan mga kaibigan, magmula nang maibalik sa tamang landas ang relasyong Sino-Filipino, at dahil sa pagsisikap ng pamahalaang Duterte, maraming pag-unlad ang nangyari at nangyayari.

Sa pagbubukas ng semestreng ito, kasabay ring nagbukas sa Beijing Foreign Studies University o Beiwai at Yunan Minzu University sa Probinsyang Yunan ang kursong Philippine Studies.

Dahil dito, nagtungo ang inyong lingkod sa Beida upang kapanayamin ang dalawa sa mga taong nasa likod ng pagbubukas ng mga kursong ito sa nasabing dalawang unibersidad, sila Dr. Ato o Shi Yang, Direktor at Propesor ng Department of Southeast Asian Studies ng Beida at Dr. Cathy o Huang Yi Direktor at Propesor ng Department of Philippine Studies ng Beida.

Kadalasan, tayong mga Pilipino ang nag-aaral ng ibang wika, at nagpupunta pa tayo sa ibang bansa para matutunan lamang ang mga wikang ito.

Pero, dito sa Tsina, pinag-aaralan nila ang Wikang Filipino para mas maunawaan nila ang ating kultura.

Marami pang isyu ang pinag-usapan namin nina Propesor Ato at Cathy, pero hindi po sapat ang oras natin ngayong gabi para rito. Kaya, abangan ninyo next week ang 2nd installment ng episode ng DLYST hinggil sa Philippine Studies Program at ang pag-aaral ng Wikang Filipino sa Tsina.

Lawa ng Weiming sa Beida

Lito (Li Feng)

Dr. Ato (Shi Yang)

Jade (Xian Jie)

Dr. Cathy (Huang Yi)

Frank (Liu Kai)

Ernest (Wang Huayu)

Ang logo ng Beida

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>