|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
|
20171123Beida2.mp3
|
Noong nakaraang episode ng DLYST ay kinapanayam natin sina Dr. Ato at Dr. Cathy ng Southeast Asian Studies ng Peking University o Beida, hinggil sa kursong Philippine Studies o Araling Pilipino.
Ito ay binuksan sa nasabing unibersidad noong 1985, at ngayon ay itinuturo na rin sa Beijing Foreign Studies University o Beiwai at Yunan Minzu University sa Probinsyang Yunan, dakong timog ng Tsina.
Pero, kinapos po tayo sa oras, kaya kinailangan nating pansamantalang mamaalam sa ere.
Sa gabing ito, itutuloy po natin ang pakikipagkuwentuhan kina Dr. Ato at Dr. Cathy upang talakayin ang iba pang bagay tungkol sa pag-aaral ng wika at kulturang Filipino sa tatlong unibersidad ng Tsina.

Ang dalawang aklat ng Wikang Filipino

Mga aklat ng Wikang FDilipino sa Beida

Si Jade habang hawak ang dalawang aklat ng Araling Pilipino

Si Dr. Ato habang ipinakikita ang Liwayway na magasin

Si Dr. Cathy habang ipinakikita ang tabloid na Balita

Tanawin sa Beida
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |