|
||||||||
|
||
tapos20minlaolang.mp3
|
Mga kaibigan, para sa programang ngayong gabi, ibabahagi namin sa inyo ang kuwento ng isang Chinese singer na si Lao Lang.
Ang kantang "Dust in the Wind" ay ang kauna unahang music record ni Lao Lang, at siya ring lead single ng kanyang unang album. Ipinalabas sa publiko ang kantang ito noong 1995, pero, matapos ang 20 taon, kaaya-aya pa ring pakinggan ang kantang ito.
Di tulad ng maraming "propesyonal" na singer, si Lao Lang ay hindi nagtapos sa kursong may kinalaman sa musika, sa halip ay "Radio Engineering."
Ang tatay ni Lao Lang ay Chief Engineer ng China National Space Administration, at dahil sa ama, na-inspire siyang maging isa ring inhenyero. Pero, bakit pinili ni Lao Lang ang musika at hindi inhenyariya? Dahil mas malaki ang epekto mula sa kanyang nanay: ang nanay niya ay isang musician, at puno ng China Central Radio Symphony Orchestra.
Bilang kauna unahang music record, ang "Dust in the Wind" ay naglatay ng estilo ng musika ni Lao Lang: estilo ng "campus folk song." Di-tulad ng exciting na rock or matamis na pop love songs, ang campus folk song ay simple at gentle, kadalasan, ang instrumentong ginagamit nito ay gitara. Ang tema at nilalaman nito ay laging hinggil sa kabataan, pagkakaibigan ng mga kabataan, first love, at mag kaklase. Ang "Dust in the Wind" ay ala-ala ng unang pag-ibig.
Narito ang isa pang kanta ni Lao Lang hinggil sa first love sa campus, "Deskmate." Ang "Deskmate" ay tungkol sa isang magandang batang babae. Bukod sa pagsariwa sa ala-ala ng magandang deskmate, inawit din ni Lao Lang ang hinggil pagkakaibigan sa kanyang roommates sa dormitory.Tulad ng kantang "My bro."
Dahil sa naturang mga kanta, si Lao Lang ay mabilis na naging isa sa mga pinakapopular na singer sa Tsina.
Karamihan sa mga kanta ni Lao Lang ay medyo malungkot, pero, mayroon din siyang masayang kanta. Nartio ang "Belle."
MInsan, umaawit din ng mga nakakatuwang kanta si Lao Lang. Narito ang "Model Love Letter."
Para sa mga ipinanganak noong dekada 80 sa Tsina, si LaoLang ay hindi lamang singer, ang kanyang mga awit ay paala-ala sa panahon ng kanilang kabataan. Dahil sa mga kanta ni Lao Lang, nababalikan nila ang kanilang masayang pagkabata.
Ang panahon ng kabataan ay tunay na napakaganda, pero, ito'y mabilis lumipas. Noong 2013, sa edad na 45 taong gulang, kasama ng ilang ibang singers sa estilo ng campus folk song, inawit ni Lao Lang ang isang kanta bilang pamama-alam sa kanyang kabataan. Narito ang "Paalam, kabataan."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |