Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

YeBei:"The Age of White Skirt."

(GMT+08:00) 2017-12-20 17:24:44       CRI

 

Si Ye Bei

Isinilang si Yebei noong 1974 sa Beijing. Ang kanyang tatay at nanay niya ay musician, kaya naturally, mula bata pa, si YeBei ay mayroon na siyang talento at intres sa musika.

Mula 7 taong gulang, nagsimula na siyang mag-aral ng piano. Tapos, pumasok siya sa The Affiliated High School of China Conservatory of Music, Major in Vocal Music. Pagkatapos mag-graduate, pumasok siya sa China Conservatory of Music (CCM).

Ang "Unrepentant Youth" ang kauna-unahang kantang ipinalabas ni YeBei. Noong panahong iyon, siya ay isang estudyante sa unibersidad. Noong 1997, nag-graduate si Yebei mula sa CCM, at naghada para sa kanyang kauna-unahang record, Kasabay nito, tinanggap niya ang paanyaya mula sa Disney upang awitin ang Chinese version ng kantang "Reflection," para sa cartoon na "Mulan."

Ang kantang "Reflection" ay mabilis na nakapagparami ng fans YeBei. Mula panahong iyon, naging popular siya sa Mainland China. Kahit naging popular dahil sa mga kantang tulad ng Reflection, gusto pa rin niya ang campus music.

Kaya, noong 1999, ipinalabas ni Yebei ang kanyang kauna-unahang music record. Sa isang panayam sinabi niyang, ang pamagat ng theme song ay impresyon niya sa campus life. Narito ang kantang "The Age of Innocence." Dahil sa music record na ito, si Yebei ay mabilis na naging isa sa mga pinakapopular na female campus music singer. Kaya pagkatapos ng "The Age of Innocence," naglabas siya ng isang serye ng mga kantang may estilo ng campus music.

Noong dekada 90, ang "campus music" ay mahalagang puwersa sa buong pop culture sa Mainland China. At ang karamihan ng mga campus singers ay lalaki, kaya, si Yebei ay naging ekstraordinaryo, tulad ng isang pulang bulaklak sa berdeng kakahuyan. Siya'y nag-iwan ng matingkad na kulay sa panahong iyan. Ang kanyang maliwanag na tinig ay di-malilimutan ng mga tao.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>