|
||||||||
|
||
Dalawampu katao, nasawi sa sakuna sa La Union
MAY 20 katao ang nasawi sa isang sakunang naganap kaninang ikatlo at kalahati ng umaga sa Barangay San Jose sa Agoo, La Union. May sampu katao pa ang sugatan at isinugod sa mga pagamutan. Naganap ang sakuna may 200 kilometro o 125 milya sa hilaga ng Maynila.
Sa isang panayam sa pamamagitan ng telepono kay Sr. Supt. Rogelio Samson, provincial police director ng La Union, may 29 na pasahero ang jeep nang rumagasa ito sa kabilang panig ng lansangan at bumangga sa isang paparating na Partas bus. Siyam na pasahero ng jeep ang malubhang nasugatan.
Ayon kay G. Samson, ginagawa pa nila ang kaukulang pagsisiyasat subalit nakita na sa kinalalagyan ng jeepney na lumampas ito sa kanyang sariling linya kaya bumangga sa bus. Hindi na umano pakikinabangan pa ang jeepney.
Kabilang sa mga nasawi ang ilang mga bata at isang sanggol at nakatakdang dumalo sa isang Misa sa Our Lady of Manaoag Shrine sa Pangasinan ng maganap ang sakuna.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |