Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Beijing, billionaire capital ng mundo

(GMT+08:00) 2018-03-08 17:50:47       CRI

 

Parami nang parami ang bilang ng mga bilyonaryo sa buong mundo at ang Tsina ang nangunguna sa listahan, ito ang nakasaad sa 2018 Hurun Report, na isinapubliko kamakailan.

Hanggang Enero 31, may 2,694 na bilyonaryo sa 68 bansa, at ang bilang na ito ay mas mataas ng 437 kumpara sa bilang noong nakaraang taon.

Kaugnay nito, ang Tsina ay may 819 na bilyonaryo, at ang bansang ito ang may pinakamaraming bilang.

Hindi lang po iyan, ito rin ang pinakamabilis sa pagkakaroon ng mga bagong bilyonaryo: ang Tsina ay nagkaroon ng 210 bagong bilyonaryo noong nakaraang taon.

Dagdag pa riyan, ang Beijing ang nagkamit ng titulong "Billionaire Capital of the World," na tahanan ng 131 bilyonaryo, dagdag pa ng ulat.

Sa kabilang dako, nakatala rin sa ulat na ang Amerika ang may ika-2 pinakamaraming bilyonaryo sa mundo, sa bilang na 571, pero, 19 lamang ang nadagdag noong nakaraang taon.

Ang India naman ang ika-3, sa bilang na 131 bilyonaryo, at nagkaroon ito ng 31 noong 2017.

Umakyat ito ng isang puwesto, mula ika-4 noong 2016, sa ika-3 noong nakaraang taon.

Kaugnay nito, nakuha naman ng Mumbai ang ika-8 puwesto sa city ranking, na may 55 billionaires.

Samantala, bumaba naman ang bilang ng mga bilyonaryo sa Pilipinas mula 14 noong 2016, sa 12 noong 2017.

 

Ang Amerika ang siya pa ring nagdodomina sa Hurun's list of the world's top-10 wealthiest individuals.

Pito (7) sa 10 pinakamayamang tao sa buong mundo ay mga Amerikano.

Si Jeff Bezos, 54, at founder at CEO ng Amazon, ang nangunguna sa net worth na US$123 billion. Nagkaroon siya ng 71% na pagtaas ng yaman, sa year on year na basehan.

Sa kabilang dako, si Warren Buffett, 87, Chairman at CEO ng Berkshire Hathaway, ay nasa ika-2 puwesto, sa net worth na $102 billion. Siya ay may pagtaas na 31% kumpara noong nakaraang taon.

Si Bill Gates, 62, ay nasa ika-3 puwesto. Siya ay may net worth na $90 billion, at may 11% na pagtaas kumpara noong nakaraang taon.

Source: https://mp.weixin.qq.com/s?__biz=MzA3OTgwOTczMQ==&mid=2690079831&idx=3&sn=505486d9cab538bcbf319560be0f17da&chksm=ba0e21fb8d79a8ed10c8fa802e485ee5ac4ec2ef72986695bbf23ed20ecba832530a59b6bad4&mpshare=1&scene=1&srcid=0306WIVK4YcnM5Dkn0O0ueCG&pass_ticket=cfO51gg3xeOweAD8jJjSOJFLYpsmjt0t173Tge3Ui2ap1ibhVS1fsR%2FAGLL4td3W#rd

 

Nakaligtas dahil sa pagtatapon ng pera

Isang lalaking inatake sa puso sa labas ng istasyon ng tren sa gawing hilagang Tsina ang nakaligtas sa tiyak na kamatayan dahil sa pagtatapon ng pera.

Ang nasabing lalaki, na nakilala lamang sa apelyidong Li ay bumibili ng tiket, sa istasyon ng tren sa Shijiazhuang, Lalawigang Hebei noong Sabado ng hapon, para bisitahin ang kanyang inang may karamdaman, nang bigla siyang nakaramdam ng sobrang pagsakit at paninikip ng dibdib.

Bukod dito, siya rin ay nagsusuka ng dugo, at hindi na kayang tumawag ng tulong para maka-inom ng gamot. Kaya, naisip niyang magtapon ng pera sa kanyang paligid, para makuha ang atensyon ng mga nagdaraan.

Epektibo ang ginawa ni Ginoong Li. Isang pulis na nagpapatrolya ang nakakita ng pangyayari at lumapit sa kanya.

Tinulungan siya nito kaya si Li ay nailigtas sa tiyak na kapahamakan.

"I initially thought he was probably drunk. It was only after I walked closer that I realized that things were more serious than that," ayon kay Officer Lin Xiangshen.

Dagdag pa ni Officer Lin, nang makita niya si Ginoong Li, kinakalkal niya ang kanyang backpack at hawak niya ang isang bote ng pildoras nang ito ay mapahiga.

Agarang tinawag ng pulis ang mga medical staff kaya nailigtas si Ginoong Li.

Unti-unting nakarekober si Ginoong Li at pinauwi, matapos sumailalim sa pagsusuri, upang masiguradong bumalik na sa normal ang kanyang presyon ng dugo.

Source: https://mp.weixin.qq.com/s?__biz=MzA3OTgwOTczMQ==&mid=2690079764&idx=3&sn=5660f97d28fd3cd7d33a2639825c7482&chksm=ba0e21b88d79a8ae8ecf72e08aa3bb4a87211e163fd1d920f6922961303dcf357ca954c9d263&mpshare=1&scene=1&srcid=0306ES3tg7zIZaKvFGpIFqWx&pass_ticket=cfO51gg3xeOweAD8jJjSOJFLYpsmjt0t173Tge3Ui2ap1ibhVS1fsR%2FAGLL4td3W#rd

Smart Highway

Kung may smart phones, smart cars, at kung anu-ano pang smart, mayroon na ring smart highway sa Tsina.

Inanunsiyo kamakailan ng Tsina ang pagtatayo ng una nitong "smart highway," na akma para sa pagdaraos ng 2022 Asian Games na gaganapin sa Lunsod ng Hangzhou, Probinsyang Zhejiang, sa gawing silangan ng Tsina.

Idudugtong nito ang Lunsod Hangzhou at Lunsod Ningbo ng nasabing lalawigan.

Itatampok ng highway ang 6 na linya sa bawat direksyon, at magkakaroon ng kabuuang haba na 161 kilometro.

Ito rin ay gagamit ng navigational technology para mapabilis ang traffic speed sa 120km/h.

Bukod diyan, itatampok din ng nasabing daan ang underground charging system na mag-e "electrify" sa daan at magtsa-charge sa mga de-kuryenteng sasakyan sa pamamagitan ng photovoltaic surface.

Ang mga kagamitang ikakabit sa nasabing kalsada ay ikokonekta rin sa cloud computing system na "real time" na magmo-monitor sa lahat ng sasakyang dumaraan.

Isa pang tampok ng smart highway ay ang integrasyon ng sistemang pang-nabigasyon ng mga driver-less vehicles, upang makatakbo ang mga ito ng 120km/h.

Ayon sa pananaliksik ng Yangtze Daily, ang pangkaraniwang bilis ng takbo ng mga sasakyan sa mga kasalukuyang highway ng Zhejiang ay 90km/h.

Sa pamamagitan ng teknolohiyang ito, mapapataas ng 20 hanggang 30 porsiyento ang bilis at episiyensiya ng pagtakbo ng mga sasakyan.

Para sa mga de-gas na sasakyan, mapapababa ng highway ang emisyon ng mga ito, sa pamamagitan ng pagpapababa ng insidente ng pagkakabuhul-buhol ng mga sasakyan at tuluy-tuloy na takbo ng trapiko. Dahil dito, tataas din ang lebel ng kaligtasan ng mga motorista.

Kaugnay nito, mayroon nang naitayong katulad na kalsada sa probinsyang Shandong, na nakakapag-charge ng mga de-kuryenteng kotse.

Source: https://mp.weixin.qq.com/s?__biz=MzIzNzcyNzkzNQ==&mid=2247492977&idx=2&sn=e1de0d22bdf14bdee912598d83de82a0&chksm=e8c69ca1dfb115b70719a3bd36ef2128ae143cb3036194a1425db48f85a6843b8204953e96f2&mpshare=1&scene=1&srcid=0306ZBcbnoqAoSGTeR2zh5DJ&pass_ticket=LK94Yj84oRakqV1K1ZOZcL%2Fov7e135aOS%2BYqxz%2BZW5MtBta%2BTO%2B6Am1WevbwHRUu#rd

Peligrosong tulin

Isang 24 anyos na motorsiklista ang hinuli ng mga pulis sa Lunsod ng Nanjing, Lalawigang Jiangsu, gawing silangan Tsina dahil sa sobrang peligrosong pagmamaneho.

Ito'y matapos suriin ng mga pulis ang isang video, kung saan makikita ang nasabing lalaki na minamaneho ang kanyang "superbike" na halos simbilis ng high-speed train. Tama po ang inyong narining: minamaneho ng lalaking ito ang kanyang superbike na halos simbilis ng highspeed train.

Sa video, makikita ang nasabing motorista habang animo'y nakikipagpatintero sa mga kotse sa highway, sa tulin na 299km/h, na halos simbilis ng bullet train ng Tsina.

Hanep! Walang sinabi ang Fast and the Furious! Sa isang pahayag sa kanilang microblog, sinabi ng mga pulis ng Nanjing, Jiangsu province, na nangyari ang insidente sa highway, malapit sa paliparan ng lunsod.

Kaugnay nito, iniulat kamakailan ng Shanghai-based news site na Thepaper.cn, sinabi di-umano ng isang di-nagpakilalang puno ng Nanjing motorbike club na ang motorsikolong ginamit ay isang BMW na kayang mag-accelerate mula zero to 100km/h sa 3 segundo.

Well, sa bilis na iyon, talagang napakadelikado ng ginawa ng drayber, hindi lang para sa kanyang sarili, kundi pati na rin sa ibang motorista sa kalye.

Source: https://mp.weixin.qq.com/s?__biz=MzA3OTgwOTczMQ==&mid=2690079862&idx=1&sn=db048de2b9d18969a30d374bfb967d5b&chksm=ba0e21da8d79a8cc7fdde166de03be727502700b65112fda950bb4796c0b42b2198d1adfa432&mpshare=1&scene=1&srcid=0306UZWQkyroii3Q9TaSrgjA&pass_ticket=LK94Yj84oRakqV1K1ZOZcL%2Fov7e135aOS%2BYqxz%2BZW5MtBta%2BTO%2B6Am1WevbwHRUu#rd

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>