|
||||||||
|
||
Popular na shopping center sa Univerity of the Philippines, nasunog
SUMIKLAB ang sunog sa popular na shopping center sa University of the Philippines kaninang pasado ikapito ng umaga. Nasugpo ang apoy bago sumapit ang ikasiyam ng umaga.
Sinabi ni Quezon City fire marshall Manuel Manuel, hindi pa nila mabatid ang pinagmulan ng sunog. Madaling kumalat ang apoy dahil sa matagal na ang gusali at mga kagamitang nasa loob nito.
May posibilidad na malugso ang gusaling nasunog. Matatagpuan sa gusali ang mga duplicating machines na siyang kumukopya ng mga aklat at mga dokumento na maihahambing sa mga original na materyal.
Malaki rin ang naging kapital ng mga mangangalakal doon sa kanilang mga makabagong duplicating machines.
Ikinalungkot din ni UP Chancellor Michael Tan ang naganap sapagkat bahagi na ng komunidad ang mga tindahan at pasilidad sa gusaling nasunog. May mga barberya din at iba pang tindahan sa pook. Kailangan na ng University of the Philippines ang himpilan ng bumbero sapagkat mayroong 70,000 katao, mga guro at propesor, mga mag-aaral at mga kawani na nasa loob ng malawak na campus.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |