Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Impeachment complaint, maipararating sa Senado ngayong linggo

(GMT+08:00) 2018-03-13 10:36:15       CRI

NANINIWALA si Deputy Speaker Fredenil Castro na makalulusot sa plenaryo ang Articles of Impeachment sa linggong ito matrapos bumoto ang 38 sa 40 kasapi sa House Committee on Justice na may sapat na dahilan upang mapatalsik sa nakabakasyong Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Isa si Deputy Speaker Castro sa mga naging panauhin sa idinaos na Tapatan sa Aristrocat kanina.

MAKARARATING SA SENADO ANG ARTICLES OF IMPEACHMENT. Ayon kay Deputy House Speaker Fredenil Castro, sa botong 38-2 na pabor sa impeachment, mas madali na tong makapasa sa plenaryo ngayong linggong ito.  (Melo M. Acuna)

Samantala, sinabi naman ni Atty. Larry Gadon na walang ibang magagawa ang problemadong chief justice sapagkat ipinagsumbong pa niya sa Department of Justice ang mga nasa likod ng pagkabalam ng dalawang taon ng survivorship benefits at ang pagkuha ng consultant na sumahod ng P 250,000 bawat buwan ng hindi dumaan sa bidding.

WALANG PROBLEMA SA QUO WARRANTO.  Ito ang ipinaliwanag ni Atty. Larry Gadon, ang nagreklamo laban kay Chief Justice Sereno sa Mababang Kapulungan.  Karamihan umano ng laman ng quo warranto ay nagmulal sa kanya.  (Melo M. Acuna)

Sa panig ni Professor Danilo Arao ng UP College of Mass Communication, gumagamit na ng kulay ang mga kumakatawan sa magkakabilang-panig sa pagkakaroon ng "Red Monday" na nakikita sa mga mahistrado at mga kawani ng Korte Suprema samantalang may kulay ube naman ang mga kumakampi kay Chief Justice Sereno na nananawagan ng "judicial independence."

WALANG CONSTITUTIONAL CRISIS.  Ito ang sinabi ni dating Commission on Human Rights Chair Loretta Ann P. Rosales sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat.  Obligasyon umano ng Congress at Senado ang pagkakaroon ng impeachment proceedings.  (Melo M. Acuna)

Ayon kay dating Commission on Human Rights Chairperson Loretta Ann P. Rosales, wala siyang nakikitang constitutional crisis sa pagkakaroon ng impeachment sapagkat bahagi ito ng obligasyon ng Mababang Kapulungan at ng Senado na magpatalsik ng mga taong inaakalang may paglabag sa batas.

Samantala, hindi naman nababahala si Atty. Gadon sa pagkakaroon ng quo warranto petition sa Korte Suprema lalo pa't sinabi ng mga mahistrado na kikilos sila sa reklamo ni Solicitor General Jose Calida. Inamin din ni Atty. Gadon na karamihan ng binabanggit ni Atty. Calida sa kanyang reklamo ay mula rin sa kanya.

1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>