Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

BFA, ano ba ito?

(GMT+08:00) 2018-04-13 16:47:32       CRI

Idinaos kamakailan sa Bo'ao, Probinsyang Hainan, Tsina ang taunang 2018 Bo'ao Forum for Asia, sa ilalim ng temang "Bukas at Inobatibong Asya para sa Ibayo Pang Kasaganaan ng Daigdig." Dumalo at nagtalumpati rito si Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan, inilahad niya ang mga hakbang ng Pilipinas sa pagpapaunlad ng bansa at pamumuhay ng mga mamamayan, at bentaheng pangnegosyo. Ipinahayag din ni Duterte na handa ang Pilipinas na makipagtulungan sa anumang bansa upang pasulungin ang pagkakaibigan at pag-unlad ng rehiyon at byong mundo.

Sa kanya namang keynote speech inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang hinggil sa ibayo pang pagpapalawak ng pagbubukas ng Tsina sa labas, ibayo pang pagpapalalim ng reporma, at paninindigan ng bansa sa pagpapasulong sa pagtatatag ng "community of shared future" para sa Asya at buong sangkatauhan, at pagbubukas ng magandang kinabukasan ng Asya at daigdig.

Ang BFA ay isang non-government, non-profit international organization, at isa sa mga pinakaprestihiyosong porum para sa mga lider ng gobyerno, negosyo, at academe ng Asya at iba pang rehiyon para sa pagbabahagi ng mga ideyang hinggil sa mga pinakaimportanteng isyu sa Asya at mundo.

Layon ng BFA na ipromote ang rehiyonal na integrasyong pang-ekonomiya, at ilapit ang mga bansa ng Asya sa kanilang pag-unlad.

Ang BFA ay sinimulang isulong noong 1998 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos, dating Punong Ministrong Bob Hawke ng Australia, at dating Punong Ministrong Morihiro Hosokawa ng Hapon.

Pormal na naitayo ang BFA noong Pebrero 2001, at ang permanenteng tahanan nito ay ang Bayan ng Bo'ao, probinsyang Hainan ng Tsina.

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>