|
||||||||
|
||
180410maartetapos.mp3
|
Mga kaibigan, noong nakaraang linggo, ipinarining naming sa inyo ang ilang kantang may tema ng tagsibol. Ang tagsibol sa Tsina ay simula ng taon. Ito rin ay sumasagisag sa kabataan. Kamakailan, naging popular sa Tsina, ang mga art works na may tema ng kabataan, kaya, sa programa ngayong gabi, pinili namin ang ilang kantang nagsasaad ng pagmamahal, pagkakaibigan, at ibang hindi malilimutang damdamin na naganap sa panahon ng kabataan ng bawat tao.
Pakinggan natin ang musikang mula sa TV series na "A Love So Beautiful," Nagsimula sa Iyo.
Still ng TV Serye"A Love So Beautiful"
Ang ikalawang kantang ibabahagi namin sa inyo ay mula rin sa TV Seryeng A Love so Beautiful, ito ay pinamagatang "Magagandang Bagay" na inawit ni Feng Jiaqi.
Si Feng Jiaqi
Ang susunod na kanta ay "Fall in Love with You When I was 18." Masaya at vivid ang tune ng kantang ito, at ginamit dito ang gitara bilang pangunahing instrument. Ito'y nagpapahayag ng relax at fresh na damdamin ng campus folk songs. Ang singer nito ay na si Zuo Yan, at ito ay mula sa TV Serye na "My Huckleberry Friends."
Si Zuo Yan
Ang mga mang-awit ng narinig ninyong mga kanta ay pawing mga batang singer. Kapuwa sila ipinanganak noong dekada 90. Ang susunod na kanta ay nagpapakita ng isa pang mahalagang bahagi ng kabataan: ang pagkakaibigan. Narito ang kantang "Kaibigan Ko," na inawit ni Zhang Yiran.
Si Zhang Yiran
Mga kaibigan, ang last song of today ay may pamagat ng "Hindi Maaaring Makalimutan." Ito ay theme song ng isa sa mga pinakapopular na TV Serye sa Tsina, na may temang kabataan, ang "Best Us." Sabi ng liriko ng kantang ito, "mainam ang buhay kapag bata ka pa, dahil sa panahong iyan, simple at inosente ka pa. Maganda talaga ang kabataan, pero, mahaba ang paglalakbay sa buhay na ito. Para sa bawat tao, wala naman talagang "best versión of me," pero laging mayroong "better versión of me."
Still ng TV Serye "Best Us"
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |