|
||||||||
|
||
Tanging Senado lamang ang may poder na magpatalsik ng mga opisyal
ISANG resolusyon na nilagdaan ng 14 na senador ang nagsasabing tanging ang Kongreso lamang ang may karapatang magpatalsik ng mga opisyal ng pamahalaang isinailalim sa impeachment proceedings. Kasabay ito ng panawagan sa Korte Suprema na pagbalik-aralan ang desisyon nitong patalsikin si Chief Justice Sereno.
Kabilang sa mga lumagda sina Senate President Aquilino Pimentel III, Minority Leader Franklin Drilon, Senate Pro-Tempore Ralph Recto at mga Senador Antonio Trillanes IV, Risa Hontiveros, Paolo Benigno Aquino IV, Francis Pangilinan at Leila de Lima.
Lumagda rin sina Senador Francis Escudero, Sherwin GAchalian, Joel Villanueva, Grace Poe, Juan Edgardo Angara at Loren Legarda.
Ayon sa Resolution 738, maliwanag sa Section 2 ng Article XI ng Saligang Batas na nagsasabing ang mga kasapi ng Korte Suprema ay matatanggal sa kanilang puesto sa pamamagitan ng impeachment, pagkakasalang ng paglabag sa batas at paglabag sa Saligang Batas.
Ang House of Representatives lamang ang may poder na magsimula ng impeachment samantalang ang Senado lamang ang magkakaroon ng poder na maglitis at magdesisyon sa lahat ng impeachment cases.
Sa pormal na paglalahad ng resolusyon, mapag-uusapan ito sa plenaryo at bobotohan ng lahat ng mga senador kung ipadadala sa kinauukulan o tuwirang ibabasura.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |