|
||||||||
|
||
20180607MediaPinoy.mp3
|
Kamakailan ay nagtungo po sa Tsina ang 22 kinatawan mula sa pamahalaan at pribadong media ng Pilipinas upang lumahok sa isang seminar na itinaguyod ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina.
Sa kanilang pagbisita sa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina, nagkaroon ng isang presentasyon hinggil sa paggamit ng new media bilang plataporma ng ibat-ibang programa upang mas episyenteng maabot ang mga tagapakinig.
Ayon kay Juliet Carangian, Producer at News Presenter ng People's Television (PTV), marami siyang nakita at natutunang bagong kaalamang maaring i-apply sa Pilipinas.
Hanga rin aniya siya sa pag-unlad ng teknolohiya ng pagsasahimpapawid ng Tsina.
Ani Carangian, gusto niyang ibahagi sa kanyang mga katrabaho, at kaibigan ang kanyang mga nakita at nalaman sa biyahe sa Tsina, upang mapabuti ang paraan ng pagsasahimpapawid ng Pilipinas at makilala ng mas maraming Pilipino ang tunay na kulay ng Tsina.
Bukod sa mga lecture sa mga pag-unlad ng media, nagtungo rin ang grupo sa mga organisasyong pang-media, sonang ekonomiko, at factory ng Oishi sa lalawigan ng Jiangxi.
Habang namamasyal sa Forbidden City o Gu Gong sa Wikang Tsino, nakapanayam ng inyong lingkod si Juliet Carangian at kanyang mga kasama, kung saan inilahad niya ang kanyang mga pananaw at saloobin sa nasabing biyahe.
Juliet Carangian habang nasa Tian'anmen Square
Juliet Carangian (kaliwa) at kanyang mga kasamahan
Isang sundalong nagbabantay sa Tian'anmen Square
Tian;anmen Square sa di-kalaayuan
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |