Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyong Pilipino-Sino, patuloy na lumalakas

(GMT+08:00) 2018-06-20 17:21:10       CRI

Idinaos ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing noong Hunyo 12, ang isang pagtitipon bilang pagdiriwang sa Ika-120 Anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Embahador Jose Santiago Sta. Romana na, patuloy na isusulong ng Pilipinas ang patakarang "Ang Pilipinas ay kaibigan ng lahat, kaaway ng walang sinuman."

Aniya pa, ang mapagkaibigan atityud at pakikipagtulungan sa Tsina ay mahalagang bahagi ng indipendiyenteng patakarang panlabas ng Pilipinas.

Ang Tsina aniya ay mahalagang politikal at ekonomikong katuwang ng Pilipinas sa pandaigdigang laban kontra terorismo at krimeng transnasyonal.

Dagdag ni Sta. Romana, ang Tsina ang pangunahing trading partner at ikalawang pinakamalaking pinagmumulan ng turista sa Pilipinas.

Ayon pa kay Sta. Romana bukod sa mga tulong sa proyektong pang-imprastuktura, umasiste rin ang Tsina noong panahon ng sagupaan sa Marawi, kapwa sa aspektong militar at mga proyekto hinggil sa muling pagbabangon ng lunsod.

Kasama sa mga panauhin sa pagtitipon ay sina: Vice Foreign Minister Kong Xuanyou, Vice Minister at Tagapamuno ng State Administration for Foreign Experts Affairs Zhang Jianguo, Vice Minister at Deputy Head State Council Information Office Guo Weimin, Boao Forum for Asia Secretary General Li Baodong, Secretary General ng China-ASEAN Center Yang Xiuping, mga kinatawan ng diplomatic corps sa Beijing, at piling bisita mula sa Filipino at Chinese communities.

Hinggil sa lumalakas na ugnayan ng Pilipinas at Tsina, nakapanayam po natin ang isang pulis na kasalukuyan ngayong nasa Beijing na nag-aaral sa mga pag-unlad na natamo ng Tsina sa larangan ng pampublikong seguridad.

Sa ating panayam kay Police Senior Inspector Gelyn Bacsal Tubog, masaya niyang ikinuwento ang kanyang mga karanasan, realisasyon at pagkaka-unawa sa kulturang Tsino at bansang Tsina.

Police Senior Inspector Gelyn Bacsal Tubog

Embahador Jose Santiago Sta. Romana

 

Embahador Jose Santiago Sta. Roamana (kaliwa) at Vice Foreign Minister Kong Xuanyou (kanan)

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>