Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga kasunduan hinggil sa trabaho at tanggulang pambansa, lalagdaan sa pagdalaw sa Israel at Jordan

(GMT+08:00) 2018-08-31 17:17:34       CRI

Mga kasunduan hinggil sa trabaho at tanggulang pambansa, lalagdaan sa pagdalaw sa Israel at Jordan

SASAKSIHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglagda sa mga kasunduang may kinalaman sa tanggulang pambansa at paggawa sa kanyang nakatakdang pagdalaw sa Israel at Jordan mula sa ikalawa hanggang ikawalo ng Setyembre.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, ito ang unang pagdalaw ng pangulo ng bansa mula ng itatag ang diplomatic relations sa mga bansang Israel noong 1957 at Jordan noong 1976.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella, nakita umano ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng pagpapatibay ng relasyon sa mga bansang ito.

Sa isang news conference sa Malacanang, sinabi ni G. Abella, mahalaga ang pakikipagmabutihan sa iba't ibang bansa sapagkat matatagpuan na ang mga Filipino sa iba't ibang bahagi ng daigdig.

Lalagdaan sa pagdalaw sa Israel mula ikalawa hanggang ikalima ng Setyembre ang memorandum of agreement sa pagpasok ng mga Filipinong caregiver, memorandum of understanding sa pagsusulong ng pagpapalitan ng mga dalubhasa sa pananaliksik at memorandum of understanding sa pagitan ng Board of Investments ng Pilipinas at Ministry of Economy and Industry sa pamamagitan ng Invest in Israel office.

Umaasa rin si Secretary Abella na mababawasan na ang mataas na placement fees na ipinapataw sa mga Filipinong papasok ng Israel. Umaasa rin si G. Abella na higit na gaganda ang pagtutulungan sa larangan ng agham at pagsasaka at mas lalago ang pagpapalitan ng kakayahan sa larangan ng kalakal at pangangapital.

Magugunitang kinondena ng mga Israeli si Pangulong Duterte sa kanyang sinabing handa siyang pumaslang ng tatlong milyong drug addict tulad ng ginawa ni Adolf Hitler sa anim na milyong Israeli nationals noong World War II.

Humingi naman ng paumanhin si G. Duterte at nagpaliwanag na wala siyang intensyong yurakan ang gunita ng mga pinaslang ng mga Aleman.

Matagal na umano ang pagkakaibigan ng mga Israeli at mga Filipino mula pa noong 1937 ng buksan ni Pangulong Manuel Quezon ang bansa sa mga Israeli na naghahanap ng mapapagkanlungan mula sa tiyak na kamatayan sa Europa. Pumabor din ang Pilipinas sa botohan noong 1947 na naging dahilan ng pagkakatatag ng State of Israel na siya ngayong tinitirhan ng may 28,00 mga Filipino.

Samantala, magkakaroon ng mga kasunduang lalagdaan sa pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Jordan. Ang mga ito ay may kinalaman sa Ugnayang Panglabas, paggawa at tanggulang pambansa.

Magkakaroon na ng pormal na paraan ng recruitment at deployment sa napipintong pagdating ng mga kasambahay sa Jordan sa pamamagitan ng mga linsensiyadong Jordanian recruitment agencies na may kasamang mga kumpanyang Filipino.

Magkakaroon na ng pormal na pamantayan ang mga kontrata upang matiyak ang kaligtasan ng mga kasambahay. Tumanggi si G. Abella na sabihing kahalintulad ang pamantayan sa nilagdaan sa Kuwait. Mayroong mga 40,000 mga Filipino sa Jordan.

1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>