Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pestibal ng Gitnang Taglagas

(GMT+08:00) 2018-09-24 17:18:13       CRI

Sa ika-24 ng buwang ito ay ipagdiriwang ng buong mundo ang Pestibal ng Gitnang Taglagas/Mid-autumn Festibal/Mooncake Festival o Zhong Qiu Jie sa Wikang Tsino, kaya, ang naririnig ninyong awitin ay tungkol Zhong Qiu Jie at sa alamat nito. Sana ay dalawin tayo ng suwerte at maging maliwanag, na tulad ng sinag ng bilog na buwan ang kinabukasan para sa lahat ng Pilipino at Tsino sa buong mundo.

Para sa ating mga Pilipino, nakagawian na nating ipagdiwang ang Mooncake Festival (Zhongqiujie) sa pamamagitan ng pagkain ng mga mooncake, (yue bing) at pagsasalu-salo ng pamilya, habang pinapanood ang bilog na buwan. At dahil nakabase sa Chinese Calendar, ang eksaktong araw kung kalian ipinagdiriwang ang Zhongqiujie ay nagbabagu-bago. Paano ito nalalaman? Ayon sa Chinese Calendar, ang Mooncake Festival (Zhongqiujie) ay ginaganap sa Ika-15 araw ng Ika-8 buwan ng taon; ibig sabihin, ito'y nasa pagitan ng Setyembre o Oktubre. Hindi lang sa Tsina at Pilipinas ipinagdiriwang ang araw na ito. Ang Mooncake Festival (Zhongqiujie) ay ginaganap din sa maraming bansa sa Asya, tulad ng Japan, South Korea, Singapore, Malaysia, Thailan, Vietnam, at marami pang iba.

Pero, bakit nga ba ito ipinagdiriwang? Saan ito nagmula? At ano ang kahalagahan nito para sa mga tao?

Noong sinaunang Tsina, ang Ika-15 araw ng Ika-8 buwan sa Chinese Calendar ay isang tradisyonal na araw para sa pag-aani ng mga pananim. Kaya naman, ipinagdiriwang ito ng mga tao bilang pasasalamat sa mga bathala para sa mabuting ani. Kaya, ang pagdiriwang ng Mooncake Festival (Zhongqiujie) ay may kinalaman sa pagpapasalamat sa mabuting ani. Bukod pa riyan, sa panahong ito, makikitang pinaka-maliwanag at pinaka-bilog ang buwan: para sa mga Tsino, ito'y simbolo ng pagsasama-sama at pagkakaisa ng buong pamilya. Kaya, ang tunay na esensya ng Mooncake Festival ay ang pagkakaisa at pagsasama-sama ng pamilya pagkatapos ng isang masaganang ani, at ginagawa ito sa ilalim ng maliwanag at bilog na buwan. Dagdag pa riyan, ang maliwanag na buwan ay simbolo rin ng isang masuwerte at masaganang kinabukasan.

Ngayong alam na natin ang tunay na esensya ng Moonckae Festival, saan naman nanggaling ang pagkain ng mooncake? Unang-una, masarap ang mooncake, kaya, paborito itong kainin tuwing Mooncake Festival. Pero, bukod pa riyan, ang mooncake po kasi ay hugis bilog na tulad ng buwan, kaya malaki ang kaugnayan nito sa mga kahulugan na sinabi natin kanina.

Maraming alamat ang nagpapaliwanag sa pinanggalingan ng pagkain ng mooncake (yue bing) tuwing Mooncake Festival (Zhongqiujie), pero ang pinaka-popular dito ay ang kuwento ni Chang-e at Hou Yi.

Ayon sa alamat, ninakaw at ininom ni Chang E, asawa ng bayaning Tsino na si Hou Yi, ang eliksir ng imortalidad.

Dahil dito, siya ay naging diwata at lumipad patungong Buwan o Yue Liang. Maliban sa isang kuneho, mag-isa lamang siyang namumuhay sa Yue Liang.

Ayon pa rin sa alamat, magmula noon, tuwing sisinag ang bilog na buwan nagluluto at kumakain ng bilog na kakanin si Hou Yi, bilang pag-alala sa kanyang asawa. Sa kinalaunan ang mga kakanin na ito ay tinawag ng mga tao na mooncake.

Bukod sa pagkain ng mooncake, marami pang ibang tradisyon sa Tsina na ginagawa tuwing Mooncake Festival. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod:

1. Pag-appreciate sa bilog at maliwanag na buwan, kasama ang buong pamilya. Ito'y maituturing na rin bilang isang family reunion.

2. Pag-aalay ng pagkain sa buwan. Ito'y matandang tradisyon na may-kinalaman sa pagpapasalamat sa mga bathala para sa mabuting ani.

3. Paggawa ng makukulay na parol at paglalagay ng mga kandila sa loob upang sabay-sabay paliparin. Muli, ito'y may kaugnayan sa pagkakaisa ng pamilya, pagbibigay ng mabuting hangarin para sa lahat at pasasalamat sa mabuting ani.

4. Magkakasamang paghahapunan at pagbibigayan ng regalo.

5. Paglalakbay, shopping, panonood ng sine at marami pang iba.

Ano naman ang mga popular na putaheng inihahain tuwing Mooncake Festival? Narito ang ilan:

1. Mooncake

2. Kalabasa: Naniniwala ang mga Tsino na ang pagkain ng kalabasa tuwing Mooncake Festival ay nakakapagpaganda ng pangangatawan.

3. Suso: Ang pagkain ng suso, na mula sa tubig-tabang ay nakakapagpaliwanag umano ng mata.

4. Taro: Ang pagkain ng Taro ay nagdadala ng suwerte

5. Wine na may Fermented Osmanthus Flowers: Para sa suwerte

6. Hairy Crab, etc.

Tuwing Mooncake Festival, isa ring kagawian ng mga Tsino ang pagbati sa isat-isa upang magdala ng mabuting hangarin at suwerte. Ano ang pagbati? Zhōngqiū kuàilè! Sa Filipino, Maligyang Araw ng Gitnang Tagsibol!

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>