|
||||||||
|
||
180928aposptnt.mp3
|
Isang buwan bago ang pagsisimula ng summer vacation, napakinggan ng 10 taong gulang na batang lalaki na si Xiaoyang ang isang exciting na balita: pagkatapos ng summer vacation, bubuin ng paaralan ang isang bagong football team.
Hilig ni Xiaoyang ang paglalaro ng football. Ang naturang balita ay nangangahulugang mayroong siyang pagkakataon na maging isang "opisyal" na miyembro ng kanyang primary school sa hometown niya, isang maliit na nayon sa lalawigang Shaoxing ng Tsina.
Para makapag apply kailangan ang pagsangayon ng magulang. Pero, hindi sumang-ayon ang magulang ni Xiaoyang.
Ang nanay ni Xiaoyang ay isang opera actress, busy sa kanyang trabaho. Ang tatay ni Xiaoyang, ay guro sa paaralan ni Xiaoyang. Alam niya ang hinggil sa football team, pero, naniniwala siyang pinakamahalagang bagay ang makakuha mataas na grado, hindi ang maglaro sa football field.
Ang tatay ni Xiaoyang
Ang nanay ni Xiaoyang
Masama ang loobg ni Xiaoyang kaya't lumabas muna. Nakita niya ang masungit na kapitbahay na si Mr. Zheng, Byudo, mag-isa sa bahay at madalang na dalawin ng anak.
Nawala ang kanyang sungit nang malamang mahilig si Xiaoyang sa football, dahil si Mr Zheng ay isang football fan.
Summer ito ng taong 1998, at malapit na malapit na ang World Cup. Madalas nilang pag-usapan ito. Ang paboritong football star ni Xiaoyang ay si Del Piero at si Mr Zheng ay huge fan ni Ronaldo, at naglalaro sila ng football sa maliit na courtyard. Unti-unting, nagkaroon ng mahigpit na pagkakaibigan ang dalawa.
Nagkaroon si Xiaoyang ng bagong English Teacher, bagong graduate mula sa unibersidad, si Ms. Shen. Napansin ni Xiaoyang na sapul nang pagdating sa paaralan ni Ms Shen, ang kanyang tatay, ay madalas na pumasok sa kanyang classroom. 10 taong gulang na lang si Xiaoyang, walang muwang, pero alam niya na naging mas maraming beses ang away sa pagitan ng tatay at nanay niya.
Ang tatay ni Xiaoyang at ang English teacher niya
Si Mr Zheng ay mayroon ding problema sa bahay. Bumalik ang kanyang anak at gusto siyang isama sa Shenzhen. Nagaalala ang anak dahil may sakit ang ama ay gusto nitong magkasama sila. Pero, ang sagot ni Mr Zheng: "Hindi ako pupunta sa Shenzhen. Dito lang ako sa Xiaobao."
Sino si Xiaobao?" tanong ni Xiaoyang. Pero hindi sumagot si Mr Zheng.
Sina Xiaoyang at Mr Zheng
Dumating na ang araw ng pagsisimula ng World Cup. Ngunit, tinanggihan ng tatay ang request ni Xiaoyang na manood ng football game na ito. Pumunta si Xiaoyang sa bahay ni Mr Zheng.
Suot nilang dalawa ang yellow football jersey, magkasamang pumunta sila sa bar kung saan mayroong live broadcast ng World Cup at masayang nanood.
Nalaman ng ama ito. At pinagalitan ang anak. Di nakuntento sinugod pati ang kapitbahay na si Mr. Zheng at pinagsabihan ng masasakit na salita. Wari ni Xiaoyang ito ang pinakamasamang summer vacation niya. Lumalala pa ito nang matuklasan ng nanay ang affair ng tatay at Ms Shen.
Dahil sa magulong pamilya inaya ni Xiaoyang si Mr Zheng na umalis.
"Saan mo gustong pupunta?" tanong ng matanda. Sinabi ni Xiaoyang na "Gusto kong bumisita kay Xiaobao, ang apo mo. Maglalaro kami ng football.
Isinama ni Mr. Zheng ang batang kaibigan sa sementeryo at inalay ang bulaklak sa isang puntod. Sinabi niyang "Natutulog dito si Xiaobao. May sakit siya nang isinilang niya. Hindi kayo maaaring maglaro ng football. Gusto mo ng umuwi?" Ayaw ni Xiaoyang. Sinabing "Gusto kong pumunta sa Hangzhou. Mayroong malalaking football club sa Hangzhou."
Bumili si old Mr Zheng ng dalawang tickets at pumunta sila sa Hangzhou sakay ng train. Hindi nila nakita ang "malalaking football club", pero nahanap nila ang isang malalaking football field sa isang parke. Buong lakas na tumakbo si Xiaoyang sa football field. Sa isip niya siya ay isang great football player, masaya at malaya. Tahimik na nanonood si Mr Zheng sa tabi.
Oras na para umuwi. Ayaw ng bata dahil sa gulong dadatnan niya sa bahay. Pero sinabi ni Mr. Zheng na: "Ang buhay ay tulad ng isang football game na mayroong ups and downs. Be brave, playing football in a field is much cooler than watching it on screen."
Wake-up call ang paglalayas ni Xiaoyang. Naisip ng mga magulang ang kamalian. Kaya sa huli pinayagan ng ama si Xiaoyang na sumali sa football team at tinapos ang affair. Naging maayos ang lahat.
Pero, may malungkot na balita. Aalis ang kanyang kaibigan na si Mr Zheng. Ipinasiya niyang pumunta sa Shenzhen na mamumuhay kasama ng kanyang anak and to move on.
Sa araw ng pag-aalis ni Mr Zheng, nagkulong si Xiaoyang sa kanyang bedroom at hindi lumabas para magpaalam sa matandang kaibigan. Inilagay na lamang ni Mr. Zhrng ang isang football, sa pintuan.
Sa summer vacation ng isang 10 taong gulang, maraming dinanas si Xiaoyang. Sa dulo ng summer vacation na ito, marami siyang natutunan mula sa di malilimutang karanasan
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |