|
||||||||
|
||
Joint exploration ng Tsina at Pilipinas, pinag-uusapan pa
NAG-UUSAP na ang Pilipinas at Tsina hinggil sa posibilidad na magkaroon ng joint exploration sa yamang likas na nasa South China Sea. Ito ang pahayag ni Chinese Ambassador to Manila Zhao Jianhua pagkatapos ng pagdiriwang ng ika-69 na taong pagkakatatag ng People's Republic of China.
Napagtanto na umano ng magkabilang panig ang kahalagahan ng pagpapanatili ng katatagan at kapayapaan sa South China Sea bago pa man makapagsimula ng ang pagsusuri sa likas na yamang nasa ilalim ng karagatan.
Sa tanong kung ano ang masasabi ng ambassador sa lumabas na isyu sa Maynila na huwag magpadalos-dalos ng pakikipagbahaginan ng likas ng yamang na sa karagatan.
Ani Ambassador Zhao, nauunawaan niyang mayroong 'di pagkakasundo sa ilang sektor sa Pilipinas at mayroon ding ganitong situwasyon sa Tsina. Subalit idinagdag niyang darating din ang panahong malulutas din ang mga isyung bumabalot sa kopiny exploration.
Ikinagalak din niya ang pagdalo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Chinese reception sa Makati Shangri-La kagabi. Napag-usapan nila ang magandang pagpapalitan ng mga kaalaman at mga mag-aaral at maging mga alagad ng media.
Kumpirmado rin kay Ambassador Zhao na dadalaw si Pangulong Xi Jinping sa Pilipinas sa malapit na panahon. Hinihintay na lamang umabot ang pagkakasundo kung kailan makadadalaw ang pangulo ng Tsina sa Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |